Lumuha ka
Kung lagpas na sa iyong ulo ang mga problema
Kasabay ng pagdaloy nito ang paggaan ng iyong dinadala.
Manalangin ka
Kung pakiramdam mo'y nawawalan ka na ng sigla
Sapagkat ang pananampalataya mo'y bitamina ng iyong kaluluwa.
Lumaban ka
Sapagkat walang inilaang pagsubok na di mo makakaya
Daig mo pa ang isang lumpo kung magpapatalo ka.
Magnilay ka
Subukang balikan ang magagandang alaala
Mababatid mo sa kabila ng lahat, buhay ay mayroon pa ring saya.
You Matter You Count
14 hours ago
5 mga kritiko:
Sa totoo lang, ito nga ang solusyon ng maraming nanlulupaypay dito sa mundo. Hindi naman puro sakit at hirap yung buhay e. Tsaka sa isang araw hindi puro paghihirap mararanasan mo. Meron at meron pa ring sarap at saya, kahit isang oras lang. Hindi ka naman beinte-quatro oras na naghihinagpis no. Syempre makakatulog ka pa. Sapat na pahinga na rin yun minsan. Dami lang kasing nega sa mundo. Kabwisit. GV!
tama ka binibini sadyang ganito ang buhay na dapat alam ang pasikot sikot ng buhay.
salamat ulit sa madalas na pagbisita, nakapag iwan na ako ng puna sa mga akda mo di lang talaga ako naghahanap. :D
Tama tong tulang ito!
don ako sa lumuha ka.. yan madalas kong gawin kahit konting problema lang. hehe
empi and mommy razz salamat sa pagbisita. :D
Post a Comment
Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.