Paalala

Ang blog na ito ay isang personal blog kung saan ako ang sumusulat, nage-edit, nagrerebays at nagpapablis. Bago ninyo husgahan ang aking likha ay nais kong ipabatid sa inyo na ang nilalaman ng aking Blog ay buhat sa mga salita, pangyayari at karanasan na kaugnay ng aking tinatalakay. ito ay pawang opinyon ko lamang at sana ay inyong igalang at irespeto. kung may hindi kayo magustuhan sa aking mga pahayag ay bukas palad kong tatanggapin ang inyong opinyon ukol sa nakikita ninyong bagay na hindi ninyo nagustuhan o hindi katanggap tanggap para sa inyo.Kung ako man ay makatanggap ng isang bagay, ito’y hindi bigay sa akin–at hindi ko rin ito tatanggapin–bilang kapalit, kabayaran ng isang katha, patalastas o text link. Kung hindi rin maiiwasan, kalakip palagi ang paalala na ito’y gawa ng isang di dalubhasa at maaring alamin muna ang tungkol sa mga bagay mula sa mga kinauukulan.

Mga opinyon–pulitikal man, pang-ekonomiya, ispiritwal at iba pa–na nasulat sa blog na ito ay nagawa kong malaya na sa kahit anong oras wala akong tinanggap na suhol sa anumang porma–sikolohikal man, ispiritwal man, o emosyonal– na kapalit o bayad upang ako’y sumulat ng anuman na labag sa kalayaan o panghusga laban sa isang tao o pagkatao.

Lahat na komento o puna sa mga kathang nalathala sa blog na ito ay opinyon ng nagkomento at manatiling sa kanya ang mga komento at hindi ko responsibilidad ang mga ito. Gayun pa man, mayroon akong karapatang i-rebays, i-edit o alisin ang anumang komento na sa palagayko ay lumalabag sa karapatang-pantao o lantarang patama sa isang pagkatao.
Sa anumang oras, kung may mga katha na nalathala dito na sa palagay ninyo ay lumalabag sa karapatang pantao o makapanira ng pagkatao. Aasahan ninyo na maaalis o mabago sa loob nang karampatang panahon pagkatapos ng masusing pagsusuri.

Para sa karagdagang suhesyon, puna, tanong o imbitasyon, maari po lamang sumulat sa
upodnalapis@yahoo.com

Followers