"Para sa lahat ng katotong hindi naging mga kaibigan dahil naging mga kagyat na kaaway. Para sa lahat ng nasaktan, dinusta, kinamuhian ng walang dahilan at sinaktan pang muli. Mapatawad sana tayo ng kasaysayan at ng buhay sa ating mga kapalaluhan. Sayang at sadyang sayang ang mga pagkakaibigang hindi nangyari."Kunin ang pamaloPaluin at lumpuhin ang mahina ang pananampalatayaUtusan at gawing alipin ang mga kaibigan, kaklase at kasamaUmastang mga macho, siga at palabanGumuhit ng linya sa pagitan ng mga 'barbaro' at mga mahihinagumihit ng linya at dugo sa pagitan natin at ng mga uhuging kapatiranGumuhit ng gumuhitmamalo ng mamaloumasta ng umastaKunin ang mga tubo, boga, martilyo at mga beinte nuevekarnehin ang kaaway paputukin ang mga uloIhagis ang mga pillboxSaluhin ang mga suntoksugod atras sugodmay gulo tayomay gulo tayomay gulo tayo!Ano nga ba ang iskor na? 3-2? 2-1? 0-2?Basta,Abangan sila sa kantoAbangan sila sa kantoPatayin sila sa kantoIpagdiwang ang kapatiranIpagdiwang ang bagong tiniramagyabanganmagbidahanmagpataasan ng ihi'di ako umatras'di ako natakotbuo ang aking loobsinamahan kita sa duloSinalba kitapinagtanggol kitaGinanti kitamalaki ang aking titiMalaki ang ating titiKaya maghanda ng isang pigingMagkamayan tayo lagiMagpalitan ng mga lihim at kodaSampalin ang hindi matahimikMagparamiMagparamiMag-ubusanMag-ubusanBradSisGCGTMIAlphaBetaChiDeltaEpsilonNeoFull BradHalf BradMasterLordSenyoresAlumniAnibForeverMay guloMay guloLahat tayo ay mga uhugin, duwag at iyaking paslit.Kasing pangit at kasing krudo ng tulang ito, tayo.Fratman ako.
Hindi ako fratman.
Nations Great and Marriages Happy
1 hour ago