Feb 27, 2011

How to Control Emotions

2 mga kritiko
This would give you guides on how to control your emotions towards your better-half, friends, officemates and all the people around you, especially your " Boss". The rules of practicing " ugaling langit, ugaling kaaya-aya" :


#1 Ang naunang magalit ang may karapatang magalit. Pag naunahan ka na ng galit niya, tumahimik ka na lang muna.

#2 Walang taong nag-aaway mag-isa. Pag hindi kayo sumagot o pumatol, titigil din daw ang taong nakikipag- away sa inyo.

#3 Ang taong galit, 'bingi.' If someone is angry, wala raw pinakikinggan, so, don't try to explain and fight back. Hindi ka niya iintindihin dahil wala siyang naririnig kundi ang sarili nya.

#4 Ang taong galit, 'abnoy.' Ayon sa pastor, Biblical daw ito ? because the Lord said when He was crucified, " Father, patawarin mo sila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa." Modern term for these kinds of people are abnoys, so you better not get angry para huwag kang matawag na abnoy.

You should also know and realize that the persons who make your day bad are jewel, because you need them for you to mature. Hangga't andyan daw sila at kinaiinisan mo, ibig sabihin, immature ka pa. God will not take away those people; it's for you to take away your bad feelings towards them. You'll know na mature ka na pag dumating 'yung time na hindi ka na naiinis sa mga taong ito because you have learned to accept them and to have patience with them.

#5 Finally, The best part of this is to tell yourself na, Because of this person, "I will grow mature," and that DAHIL SA CONTRIBUTION NIYA SA MATURITY MO, KUKUNIN DIN SYA NI BRO BOSS.

Feb 21, 2011

Mahal Talaga Kita

0 mga kritiko
Akala ko pinakamasakit na ang mamatayan ng mahal sa buhay, may mas masakit pa pala doon. Iyong biguin ka ng natitira mong ” strenght provider” parang vitamin mo sa araw araw, parang kape na hindi gigising ang kalamnan kapag hindi ko ito natitikman. Iyong mismong pinaghuhugutan mo lakas ang naging dahilan kung bakit ako sobrang lungkot na lungkot ngayon. Dati rati sya ang tagapunas ng luha ko, taga yakap tuwing naguguluhan ako, nagpapalakas ng loob ko sa tuwing pinanghihinaan ako. Taga payo ko sa magulo kong mundo at kaka iba ko sa lahat ng nararamdaman ko, masaya man o malungkot laging nandyan karamay ko at ang nagbibigay saken ng pag-asa sa buhay kong parang pinagdamutan ng panahon.



Minsan ang pagsasabi ng totoo ang syang magpapalaya sa iyo sa inaakala mong pressure.Hindi ako marunong mamilit ng tao, kulang ako sa talent na yan kadalasan kasi ayaw ko ng hindi nag pagbibigyan. Minsan lang ako humiling at kapag ako ang dumaing sincere yun dahil hindi ako mapagsamantalang tao. Hindi ko kasi maatim magsinungaling, ako yun taong kahit mahirap intindihin o kadalasan kahit mahirap tanggapin pinipilit kong kayanin kahit sobrang durog na ang puso ko , basta totoo lang.



Nagmahal ako, at nagmamahal pa rin.. at sa huli magmamahal pa rin. Isa siguro yan sapagkakapareho naten madaling magmahal at magpahalaga sa mga tao. Minsan ayaw kong isipin na tama sila na masasaktan lang ako kapag patuloy kitang minahal. Pero wala akong katiting na pinagsisihan bakit ako nag buhos ng sobrang emosyon ko, puso at kaluluwa. Simple lang naramdaman kita. Hindi ka siguro nila kilala gaya ng pagkakilala ko sayo.. madali kang mahalin dahil iba ka sa lahat ng taong nakilala ko. Uulitin ko nanaman ito sayo ko lang naramdaman na pahalagahan ng sobra sobra pa sa inaasahan ko.



Kung matatawag man na relasyon ang sa atin. Mahal mo ako at mahal din kita.. merong “tayo” pero hindi ka sa akin. Nakakalitong isipin para sa isang normal na tao, ewan ko kung normal ako o pareho lang tayong siraulo. Isang relasyong walang hawak kamay, walang titigan sa mata, walang pisikal na yakap, pero ang mahalaga ay ating mga ispirito, ang pag-uusap sa ating sari-sariling lengwahe…



Alam kong may mali sa nararamdaman ko dahil alam ko din na sa huli talo ako. Pero dahil mahal kita nananatili ako sa tabi mo. Nalunod ako ….nakalimot…nasa malalim na bahagi na pala ako ng dagat..akala ko nung una masarap pumunta dun nakalimutan ko na hindi pala ako marunong lumangoy.. nalulunod ako sagipin nyo ako.

Patawad kung nahihirapan ka, patawad kung hindi ko napigil ang sarili ko. Ang hinihiling ko lang sayo ay maging totoo ka. Yun lang yun. Pero kahit aminin mo ang totoo o hindi, maging pantasya nya man yun o hindi sa huli nasugatan pa rin ang puso kong babasagin. At hindi ako marunong magpapansin.

Marami na tayong napagdaanan, saya , lungkot at luha.. pero gusto ko malaman mo na hindi ako umasa na tayo sa huli dahil mahal kita at mahal ko at mahalaga sa akin lahat ng mga mahal mo. Hindi ko iniisip ang salitang “Magpakailanman” para sa atin dahil mahal ko ang mga anghel mo. Hindi ako makasarili para tawagin kang “akin” ” ko” dahil alam kong may nagmamay ari na sayo. Nasisiyahan na ako sa konting espasyong binigay mo saken sa buhay mo.. kahit masakit man minsan isipin na sa pagkakaibigan lang mapupunta ang lahat nang ito, masakit yun para sa taong umiibig ngunit kakayanin ko yun para sayo.

Handa akong magparaya palagi saan man relasyon ako masangkot… bahagi na siguro ng pagkatao ko ang magparaya at maging magpagbigay kung ikakaligaya ng kapares ang nakasalalay. Gusto ko pa rin napapasaya ka palagi.. at kung isa ako sa nagpapalungkot ng buhay mo ngayon malamang mag paalam na ako sayo para hindi ka naguguluhan. Wag kang mag alala.. ako pa din ang ” MAHAL” ng buhay mo. Kailangan muna kitang panuodin sa laban mo. Ako naman ay magpapalakas muna dahil nanghina ako sa laban, hindi kasi ako naging handa sa mga ganitong pagkakataon.

Mahal kita at May mas Malalim pang Kahulugan iyan.

Feb 13, 2011

Paunawa

0 mga kritiko
1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya.”



2. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa..”



3. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka… Kaya quits lang.”

4. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

5. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili niya.”

6. “Ang pag-ibig parang imburnal… nakakatakot mahulog… at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka.”

7. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

8. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima , sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

9. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

10. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

11. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

12. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

13. “Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo… Dapat lumandi ka din.”

14. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

15. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

16. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

17. “Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? Wag kang magpakatanga sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan kung lagi ka naming sinasaktan. Imbes na magtanong ka ng ‘Hindi pa ba sapat?’ Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabale-wala ka na, tanggapin mong nagsasawa na siya. Wag kang magpadala sa salitang ‘sorry’ at ‘ayokong mawala ka’. Kung totoo yun, papatunayan nya.”

18. “Minsan nililinlang ka na lang ng sarili mong damdamin na akala mo nasasaktan ka pa din. Pero ang totoo-naalala mo lang talaga yung pakiramdam nung nasaktan ka. Pareho lang din yun sa pag-aakalang mahal mo pa yung tao pero ang totoo- naiisip mo lang yung pakiramdam mo dati nung mahal mo pa siya.”

19. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

20. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”

21. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.”

22. “Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”

23. “Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

24. “Bakit ka matitiis sa taong alam mong sakit lang sa ulo mo? Wag mong ikulong ang sarili mo sa hawlang ginto pero sira ang kandado. Sino bang may sabing hindi madaling makahanap ng kapalit? Kahit ibon marunong maghanap ng bagong pugad, tao pa kaya?”

Followers