Showing posts with label buhay. Show all posts
Showing posts with label buhay. Show all posts

Oct 31, 2011

Kapag sa langit ako'y patutungo

3 mga kritiko
Kung sa langit ako'y patutungo, ano ang dapat kong dalhin?
Ang kuwintas ko kayang ginto o ang brilyante kong singsing?
Mayroon akong bahay, kotse, alahas na nagniningning.
Sapat na ba Panginoon ang mga yaman kong angkin?


Magandang katayuan sa buhay, akin nang narating.
Mga materyal na bagay, natamo ko na rin
Hindi na mabilang, kaibigan kong itinuturing
Alin sa mga ito ang nais Ninyong aking baunin?


"Sa mga nabangit mo, wala doon ang kailangan Ko.
Alalahanin mo anak, wala itong halaga sa buhay ng tao.
Kahit mayroon kang pilak at ginto, huwag mo sanang lilimutin
Ang pag-ibig at patawad Ko, hindi kailanman maaaring bilhin.


Dito sa Aking piling, wala kang kakailanganin
Alalahanin mo na lahat ng bagay, sa Akin nanggaling.
Ang sinasabi mong kayamanan ay basahan lamang sa Aking paningin
Kaya't kung pupunta ka sa langit, wala kang dapat dalhin.


Tunguhin mo ang Aking kaharian na ang tanging dala ay sarili
Kasama ang mga alaala ng lahat ng ginawang mabuti.
Pag-ibig sa kapwa, pananalig sa Akin at malinis na budhi
Iyan lang ang tanging mahalaga kung sa Aki'y mananatili."

May 14, 2011

Badtrip

7 mga kritiko
Hindi ko na alam kung ilang tao na ang aking nakasagutan, nakaaway at nakasamaan ng loob, hindi ko na matandaan kung ilan na sila at kung sino ang huli kong nakasagupa, pero isa lang ang masasabi ko, nagpapaliwanag lang ako, walang personalan.


Ako kasi ang klase ng taong na kung hindi ako sang-ayon ay sinasabi ko talaga ang nasa loob ko, hindi porke naiintindihan mo ang isang bagay ay tama na agad at maykatotohanan na ito, wala akong pinapatamaan, nais ko lang ay may maisulat, nagkataon lang na ito ang paksang nagustuhan kong isulat, bahala na kayo magisip pagkatapos niyo magbasa, bahala na kayo kung tatangapin niyo ang paliwanag ko, pero alam ko, sasang-ayon kayo kapag sinabi kong hindi lahat ng sinasabi ko ay tama at alam ko ring sasang-ayon kayo kapag sinabi kong hindi lahat ng tao ay sasang-ayon sa lahat ng sasabihin mo.

May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag, may mga bagay na mahirap maunawaan, pero hindi ito nangangahulugang mali na ito, may mga bagay na sadyang parang tama, pero ang totoo mali ito, may mga bagay na parang mali, pero ang totoo tama ito. Hindi ako matalino, hindi rin bobo, may alam ka na hindi ko alam, may kaya kang gawin na hindi ko kayang gawin, pero tulad mo may alam rin ako na hindi mo rin alam at may kaya rin akong gawin na hindi mo rin kayang gawin, kaya patas lang tayo.

Hindi kita kinokontra at hindi ko rin hiningi sa iyo na tangapin mo ang baluktot kong prinsipyo, kaya huwag kang mainis kapag sinabi kong hindi ako naniniwala sa iyong sinabi, dahil hindi nga lahat ng sasabihin mo ay sasang-ayon ang lahat ng tao? Akala mo lang tama ka, pero ang totoo mali ka at katulad mo akala ko lang din tama ako pero mali rin pala ako.

Matuto sana tayong tangapin na nagkakamali rin tayo ng pagkakaunawa sa isang bagay.

“Remember you’re entitled to your own opinion”

May 10, 2011

Hay Buhay

1 mga kritiko
Habang ako ay nagiisa dito sa kuwarto at kasalukuyang nakikinig ng mp3 sa walkman ko, ang layo nanaman ang nararating ng aking isipan madalas ito ang ginagawa ko kaysa lumabas ng bahay habang ako'y nangangarap, sinasariwa ko ang mga ala-alang ginagawa ko noon at mga bagay na gusto kopang Gawin. May mga bagay na gusto kong gawin ngunit parang ang hirap na gawin, parang pinanghihinaan na ako ng loob, parang ang hirap gawin.Kung kaylan ako nag ka idad ng ganito Kung kaylan mas malawak ang isipan ko dito pa ako parang susuko. Samantalang ang isang musmos na bata na nag aaral pa lamang na tumayo, wala pa sa tamang pag iisip nandon ang determinasyon niyang matutong tumayo kahit bumagsak tatayo at tatayo parin kahit nag iisa. kahit masaktan sa kanyang pagkakabagsak hindi sumusuko hangat hindi natututong tumayo. Kahit wala ka sa kanyang tabi hindi siya naghihintay kung kaylan mo siya Gagabayan. Sa bawat pag bagsak masaktan man ng bahagya umiyak man ngunit hindi sumusuko.Mapagtagumpayan man niyang tumayo, magsisimula naman siyang humakbang upang lumakad para sa panibagong hamon ng buhay.


Ang buhay ng isang musmos na bata ay Punong-puno ng Pagsubok. Ano mang hirap,ano mang sakit ng pagkakadapa tanging iyak lang ang sandata upang mailabas ang sakit na naramdaman sa kanyang pagkakadapa.



They Never Waited Too Long To Give it Another Shot.



Kung ating iisipin, hindi mo mabibilang kung ilang beses siya bumagsak, kung ilang beses madapa. Pero Hindi sumusuko.Ikaw pa kaya na nasa wastong pag iisip ang madaling sumuko ? Tulad natin kahit madapa tayo sa unang pagsubok huwag tayo mawalan ng pag-asa Lahat tayo kahit maka ilang ulit tayong madapa pilitin nating tumayong muli upang harapin kahit anong dami ng pag subok. Kahit makailang beses tayo bumagsak. ! If you can learn to walk there are many other things that can be achieved in Life.! Ang isipin natin !



KATULAD DIN ITO NUONG TAYOY NATUTUTONG LUMAKAD.

WALANG KALIGAYAHANG MAKAKAMIT SA PAGKAKADAPA, ANG KALIGAYAHAN AY NASA MULING PAGTAYO SA BAWAT PATAK NG LUHA MAY NGITING KATUMBAS.!

May 6, 2011

Tamad

0 mga kritiko
umaatras ang gana
bwelo ay nawala na
 hirit na pangamba
 damdamin ay nagdurusa

nais lang umupo
mga paa’y bilango
napapako sa bangko
tingin ay malayo

saksak ng salita
matalim na bunganga
salot sa paggawa
pinatay ang biyaya

mukha’y tulala
sa kwarto’y nakahilata
damdaming binutata
tinatamad ng magkusa

May 1, 2011

Kahulugan ng Buhay

0 mga kritiko
Buhay: isang hindi matatawarang regalo sa atin ni Bro Boss. Lagi pa nga tayo'ng nagpapasalamat sa bawat paggising natin tuwing umaga dahil tinuturing nating isang biyaya ang ating mga Buhay.



Ang Bawat Sanggol na isinisilang ay isang Blessing sa Bawat ina, ama at mga anak. Ngunit sa patuloy na paglobo ng ating populasyon, nahahati ang opinyon ng simbahan at pamahalaan tungkol sa pagkontrol nito.



Hindi masamang mag-anak ng mag-anak lalung lalo na kung kaya'ng sustentuhan ng mga magulang ang kanilang kinabukasan. Walang kaso kung magagawa nilang pakainin ng tatlong beses sa isang araw, mabigyan ng proteksiyon laban sa iba't ibang karamdaman, bahay na masisilungan at magkaroon ng magandang edukasyon ang kanilang mga anak. Subalit kung mapapabilang naman sila sa milyun-milyong mga Pilipino na walang trabaho, tahanan at laman sa tiyan, ibang usapan na yan.




Masamang kumitil ng buhay. Hindi lang pananagutan sa batas ang katapat niyan kundi maging parusa sa kabilang buhay. Totoo naman at walang dudang hindi ko tututulan yan. Alam nating lahat ng walang sinumang bumawi ng buhay ng isang tao kundi tanging ang ating mahal na Panginoon lamang. Pero bilang isang Pilipino, importanteng magkaroon tayo ng responsibilidad sa bawat aksiyon na ating gagawin.




Makailang ulit pinalabas sa telebisyon ang mga balita ng mga inaabandonang mga sanggol. Kadalasan ay makikita sa may basurahan, swerte kung may buhay pa ngunit kung di pinalad, matatagpuan itong isa nang malamig na bangkay. Naging usap-usapan din ang sanggol na iniwan sa isang airport (kung hindi ako nagkakamali). Naging maingay din ang ilegal na bentahan ng sanggol sa ating bansa. Kadalasang katwiran ay hindi alam kung paano bubuhayin ang anak kaya nila ito nagagawa.



Laman din ng balita ang mga tao'ng lumuluwas ng kanilang mga probinsya patungong Maynila para makaahon umano sa hirap kasama ang kanilang buong pamilya. Sa kasamaang palad, ang inaakalang nag-aantay na ginhawa, masahol pa pala sa kamalasan. Ang resulta, mga pamilyang nakatira sa estero, gilid ng tren at mga pribadong gusali.Ang masakit pa dito, sila pa ang ubod ng dami ng mga anak. Mga bata'ng walang saplot, at namumulot ng mga tira-tirang pagkain. Di alintana ang mga sakit na maaaring makuha dahil sa dumi at mga mikrobyo.



Sa paulit-ulit na problemang ito, mukhang napapanahon na para sa modernong pagbabago. Sa aking artikulong ito, panigurado'ng maraming kokontra at mayroon din namang sasangayon. Isa akong kristiyano hindi nga lang tulad ng iba'y nagpupunta ng Simbahan tuwing Linggo, kumukumpleto ng Simbang Gabi at nagseserbisyo pag semana santa. Pero si Bro Boss ay nasa puso't isipan ko lang. Humihingi ako ng dispensa sa Simbahang katoliko dahil aking napagdesisyunan na pumabor sa reproductive health bill ng ating pamahalaan.Hindi pagpatay ng buhay ang layunin ng batas.Isipin nyo lang din, sa Vatican na kung saan nandoon ang ating mahal na Santo Papa, legal ang abortion. Ang sa akin lang, magagawa pa bang buhayin ng isang ama at ina na kumikita ng kakarampot na sahod na me 12 na anak ? Kung talagang importante ang buhay, sana'y isipin muna kung ano ang kahihinatnan at kinabukasan ng mga batang mabubuhay sa hirap. Hindi dapat laging anak lang ng anak. Hindi yan mga tuta na kayang mapag-isa makalipas ang 2 buwan. Kung mahal natin talaga sila, importante ang tamang pagpaplano ng pamilya.


Apr 27, 2011

San ba nasusukat ang tagumpay?

0 mga kritiko
Bawat isa sa atin nangarap na mag tagumpay sa buhay. Habang lumilipas ang panahon, nag-iiba din ang ating pamantayan at pananaw sa salitang tagumpay. Ano nga ba ang tagumpay ? Paano natin masasabi ang isang nilalang ay matagumpay sa larangan na kanyang pinili o sa buhay niya mismo sa araw-araw ? May sapat bang basehan para masukat ito ? May tamang kategorya rin ba para maabot ang tugatog nito ? Kung meron bakit sadyang napakahirap marating ?






Bata pa tayo inukit at ikinintal na sa murang isipan natin na kailangan may marating, na kailangan maging matagumpay. Mag-aral ng mabuti, makatanggap ng diploma sa kolehiyo, maging dalubhasa & gamitin sa mabuting paraan ang karunungan. Naging sandalan natin ang sipag, lakas & tibay ng loob. Nagsumikap tayo sa buhay, pagtitiyaga & sakripisyo ating dinaranas, pikit-mata nating kinakaya ang lahat ng dagok upang makita ang susi sa magandang bukas. Andiyan, maging sunod-sunuran tayo sa batas ng ating magulang,na minsan nawawalan tayo ng kalayaan sa sariling pagpapasya, nagigi tayong alipin ng sariling dugo & banyaga. Pinapasan ang pagsubok , ang mga hagupit ng tadhana kahit nalulugmok na tayo, pinipilit nating bumangon dahil ayaw natin makita si Kabiguan.



Ang tagumpay daw 'di makukuha sa isang kisap-mata. Ito ay pangmatagalang proseso, ng walang tuldok na pagnanais & paghahangad. Gasgas na ang kasabihang " ang umaayaw ay hindi nagwawagi , at ang nagwawagi 'di umaayaw" ngunit ito ay totoo. Dahil sa salitang tagumpay kaya tayo nagkakaron ng mga adhikain sa buhay, mga pangarap na huhubog sa pagharap at pakikibaka sa araw-araw. Tunay na masakit ang maranasan ang kabiguan, ngunit ito'y parte na ng hiwaga ng buhay. Mas matamis daw kang ang tagumpay ay pinaghirapan natin, na dugo't pawis ang pundasyon nito. Mas mabibigyan ng halaga & importansya kaysa sa tagumpay na kusang inabot o nilagak lang sa harapan.


Noong nasa elementarya pa lamang ako, kapag sinabing tagumpay kakabit ang salitang kaligayahan. Lahat ng aspeto sakop nito higit sa lahat materyal na bagay. Isang ehemplo namin ang nagiging guest speaker sa school. Nakapagtapos ng pag-aaral, may mataas na katungkulan sa pinagtatrabahuan,may malaking bahay, kotse, at hinahangaan ng mga tao. Sila'y iniidolo ng kabataan, ipinagmamalaki ng paaralan, at may ambag sa lipunan. Bilang isang estudyante, nangangarap akong sana ganyan din ang marating ko o kaya'y sana ako nalang ang nasa kalagayan niya. Nagsumikap ako na makapagtapos ng pag-aaral. Inspirasyon ko ang kanilang narating ngunit sa kabila ng tuwa & halakhak na mababanaag sa aking mukha bakit may kulang ? Akala ko ang tagumpay ang bumubuo sa atin, hindi pala. Ilang medalya man ang isabit saiyo, mabingi ka man ng ugong ng palakpakan, at isigaw man sa buong mundo ang iyong pangalan, wala rin pala. Mas matagumpay palang matatawag ang pag-kakaroon ng kasiyahang sa maliit na bagay, pagkakuntento kong anung meron ka, bunos na lamang pala ang pagkakaroon ng malawak na lupain, karangalan, at kayamanan.


Minsan ang tagumpay ng tao depende sa pamumuhay na kanyang kinamulatan. Sa simple at payak ng pamumuhay may tagumpay. Aanhin mo naman ang mataas na sweldo kung ang kalusugan mo ay hindi maganda, saluduhan ka man o sambahin ng masa kung ang sarili mong pamilya 'di ka nila nirerespeto, yumukod man sila saiyo kung sarili mo mismo 'di ka kilala ? Alahas, Pera, at mga kagamitan meron ka kung pakikipag kapwa wala ka, lahat ng iyon ay walang halaga.


Ang tunay na tagumpay ay masasalamin kung paano ka igalang ng iyong kapwa, na walang takot sa kanila, kusang nilang ibinibigay hindi dahil Amo or nasa itaas ka. Kung paano mo itrato na may pagpapahalga sa karapatang pantao at pagmamahal , ito'y nangangahulugan ng pagtulong na walang hinihintay na kapalit. Nakatira ka man sa kubo kung ang puso't isipan mo busilak sa pakikipag kapwa tao at may kababang loob lagi, ito ay tagumpay na matatawag. Mahirap ka man sa buhay kung masaya mong nakakasama ang iyong pamilya o kaya'y kulang ka man sa pinag aralan kung sentro ng iyong buhay ang Poong Lumikha, sa mata Niya ikaw ay matagumpay.

Mar 18, 2011

Tell Me Why

2 mga kritiko
Minsan talaga dumarating sa Buhay ng isang Tao na kala mo ay susubsob ka na lang sa isang sulok dahil sa dami ng problema sa buhay, iisipin mo kung papano ka na naman gigising kinabukasan para simulan na naman ang isang araw. Minsan sa dami ng responsibilidad na nakapatong sa balikat mo iisipin mo rin na hanggang kelan ko ba kayang bibitbitin ito ? Kelangan lang talaga ng walang katapusang lakas ng loob, determinasyon, pasensya at higit sa lahat pananampalataya sa Kanya. Kung wala ako ng mga ito, dati na akong sumuko at siguro makita niyo na lang ako sa kalye na naglalakad na isang ulirat.



Di ako nagpapaka Emo ngayon, Blog note ko to at isusulat ko ang gusto kong isulat dahil minsan lang naman ako nagsusulat. Di ba ? Lolz.



These past weeks, months even, I feel like my shoulders are slouching..dahil sa Problema. Ang dami, di ko na maisa-isa. Not only about me, but the family as a whole. Bakit kase may mga lalaki at Babaeng kayang iwanan ang pamilya na sana kanilang pasan. I don’t blame anyone..just asking why ?

Dahil kahit papano, minsan gusto ko din ng sagot. Oo, may pagkukulang din ako but do I deserve these ? If yes, then thank you. Somehow, bata pa lang ako natuto na akong tumayo sa sarili kong mga Paa And thank you ulit dahil ikaw nag turo sa akin nito.

Thank you dahil maayos kong pinatakbo ang buhay ko Pero ang tagal pa eh, ang tagal tagal pa pakiramdam ko ang tagal pa bago ako tuluyang makapag pahinga. Pag nag-iisa ako, ini-imagine ko na pagtanda ko, magawa ko bang maupo na lang sa veranda ng bahay habang nagtsa-tsaa o nagkakape habang nakikinig ng soft music sa umaga at pagmamasdan ang mga halaman sa labas na bahay ? O baka naman kahit lolo pa ako eh eto pa rin at kumakayod para may makain man lang ako o may gamot ako na maiinom bukas.

Buhay nag-iisa, iniwang mag-isa. Ang hirap talaga.
Pero at least feeling ko cute pa rin ako, di ba ?

Meron ba kayong Guts na ganyan ? Hehehe..Lakasan lang ng loob yan !

Seriously, Lagi kong ini-isip na ang taong katulad ko ay may Pag-Asa kaya ?

Life must go on and keep your Head Up High !

Feb 13, 2011

Paunawa

0 mga kritiko
1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya.”



2. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa..”



3. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka… Kaya quits lang.”

4. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

5. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili niya.”

6. “Ang pag-ibig parang imburnal… nakakatakot mahulog… at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka.”

7. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

8. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima , sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

9. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

10. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

11. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

12. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

13. “Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo… Dapat lumandi ka din.”

14. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

15. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

16. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

17. “Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? Wag kang magpakatanga sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan kung lagi ka naming sinasaktan. Imbes na magtanong ka ng ‘Hindi pa ba sapat?’ Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabale-wala ka na, tanggapin mong nagsasawa na siya. Wag kang magpadala sa salitang ‘sorry’ at ‘ayokong mawala ka’. Kung totoo yun, papatunayan nya.”

18. “Minsan nililinlang ka na lang ng sarili mong damdamin na akala mo nasasaktan ka pa din. Pero ang totoo-naalala mo lang talaga yung pakiramdam nung nasaktan ka. Pareho lang din yun sa pag-aakalang mahal mo pa yung tao pero ang totoo- naiisip mo lang yung pakiramdam mo dati nung mahal mo pa siya.”

19. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

20. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”

21. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.”

22. “Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”

23. “Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

24. “Bakit ka matitiis sa taong alam mong sakit lang sa ulo mo? Wag mong ikulong ang sarili mo sa hawlang ginto pero sira ang kandado. Sino bang may sabing hindi madaling makahanap ng kapalit? Kahit ibon marunong maghanap ng bagong pugad, tao pa kaya?”

Dec 5, 2010

Tandaan mo walang permanente sa mundong ito

0 mga kritiko
Lagi nilang sinasabi na walang permanente sa mundo….

Bukod sa madalas na dialogue sa Pelikula at Teleserye, laging pinapayo ng kaibigan at kakilala, minsan tinuturo sa iskul at bukambibig ni nanay pag feel niya magpa-almusal-tanghalian-hapunan-meryenda-midnight snack ng sermon at minsan mari-realize mo ito kapag dumating ka na sa puntong nahimasmasan na pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Kung mas pipiliin mong indi maniwala dito, wala ka namang choice. Bukod sa majority ang sang-ayon dito, tanggapin mo na kasi na totoo naman talagang walang permanente sa mundo. Pati nga mga bahay at building na akala mong habambuhay na sa kinatatayuan nito, dumaan lang si Ondoy na-wipe out lahat bigla diba ? Di ngayon, parang isang pang-hoy gising ito sa ating lahat.

Nung bata tayo akala natin ang mga ngipin natin parang halaman lang na pag nasira, tutubo ulit. Wala man lang early warning nung nabungi ka ulit. Yung tipong magsasabi sa’yo na parang konsensya na…
“ Patay tayo dyan, sinira mo pa. Late na nang sinabi sa’tin na isang beses lang ito magpapalit. Aanhin mo pa ang mamahaling toothpaste kung wala ka nang tu-tutbrasin ? Wala nga kasing permanente. Wala talaga.

Dati, ang pagkakaibigan n’yo ng kababata mo abot hanggang pagtanda.
Para bang kulang na lang sa lalim ng samahan ninyo eh ang pagtanda. Pero sino bang nakakaalam na kasabay sa pagtanda ninyo ang pagtigas ng kapwa n’yo ulo hanggang sa indi malamang kadahilanan, pati pala ito pwede ring mawala ?

Kung minsan, kahit gaano mo kamahal ang trabaho mo na halos ibigay mo na pati ang oras na para sa sarili at sa pamilya… sa isang iglap, kaya nitong balewalain lahat ang pinaghirapan mo dahil sa mas prioridad nito ang kapakanan ng kumpanya kesa sa’yo.

Dati, sabi nila hangga’t indi pa kasal pwede pa…may pag-asa pa para ma-check kung sino ang papakasalan. Pero ngayon, kasal na’t lahat – may mga anak – kahit pa me apo na…naaagaw at inaagaw pa rin. Ang kasal para na rin itong walang saysay At kung kelang may asawa na, saka pa parang nag-aalangankung sure na ba talaga sa napiling makasama habambuhay.

Indi lang pagkain ang may expiration date o kaya mga perishable goods ang nasisira. Pati mga snatcher at holdaper, walang pagpapahalaga kung gaano mo katagal pinag-ipunan ang pambili ng gadget na pinakaaasam-asam mo. Yung mga pagkain na tiniis mong indi kainin at ilang kilometrong nilalakad mo araw-araw para lang makatipid sa pamasahe para lang dekwatin nila ang mga ito ng ganun-ganun lang. Sana sa tuwing magtetex at tatawag sila gamit ang cellfon na pinaghirapan mo o di kaya eh habang naglalakad sila papuntang pawnshop para ibenta ito, maisip nila ang lahat ng tiniis mo.Haiist!

Ang lahat-lahat sa buhay natin ay may deadline na confidential ang petsa. Malalaman daw kasi ito sa tamang panahon at pagkakataon. Samantala, binigyan naman tayo ng mahahabang panahon para alamin sa ating sarili thru the course of life kung ano talaga ang purpose natin sa mundong ito. Siguro naman, sapat na ang 70-80 years (sana abutin ko ‘to hehe..) para makuha ang sagot sa mga tanong na akala natin ay wala talagang sagot.

Sa lahat ng niregalo satin ni Bro, ito lang yung kailangang isoli pero tingnan mo naman…buhay yung binigay niya pero okay lang sa Kanya kung wala nang buhay pag binawi na niya. Yung iba nga, binibigyan pa niya ng second chance para mag bagong buhay, meron ding inaabswelto, inilalagay sa lugar na maraming bantay at rehas na bakal kasama ng ibang naabswelto para matuto sa pagitan ng hirap ng buhay sa loob at yung ibang may taning na…pilit pa rin niyang dinudugtungan para magkaron pa ng pagkakataong makasama ang mga mahal sa buhay. Walang permanente sa mundo.

Kaya bakit indi natin gamitin ang pagkakataon na ito para ipakita at iparamdam sa lahat kung gaano ito kaganda. Indi nga ito perpekto. Puno nga ito ng pagbabago at paghihirap, indi buhay ang tawag dito kung wala nito. Pero sa bawat hirap, meron ding saya,selebrasyon at sakses. Dapat nating ipagpasalamat ang kung nasan man tayo ngayon kasi ito ang plano sa atin ni Bro Boss, ito ang misyon na inayon sa atin.


Everything in Life has Purpose. There are no Mistakes, No Coincidences, All events are Blessings Given to us to Learn from.”


Kaya kahit walang permanente sa mundo, ayus lang. We just have to make the most out of it. Bigyan natin ng pagkakataon ang sarili at ang ibang tao na ituwid ang pagkakamali.

Forgive but never Forget. Tapos smile na…

Followers