Showing posts with label sarili. Show all posts
Showing posts with label sarili. Show all posts

Mar 28, 2011

Kaparusahan

0 mga kritiko
Meron tayong kasabihan na..Kung ang panginoon ay nagpapatawad, Tao pa kaya? Eto po ay sa sarili kong opinion na nais kong ibahagi sa inyo...Kung sa inyong paniniwala ay mali ako nasa inyo na po iyon. Lahat naman ay may kanya-kanya tayong paniniwala. Totoo ba na ang panginoon ay madaling magpatawad ? Para sa akin " OO ", Pero depende, Ang panginoon ay madaling magpatawad sa mga taong marunong humingi ng kanyang kapatawaran. Ang panginoon ba ay nagpapatawad or nagpaparusa sa mga taong nagkakasala sa kanya ? Ang tanong na ito ang madalas kong marinig na pinagtatalunan ng mga kababayan natin. Para sa aking opinion...



Ang Panginoon ay marunong ding magparusa sa atin. At ang bawat parusang ibinibigay sa atin ay kung gaano kalaki ang kasalanan mo sa kanya, ay ganon din kalaki ang parusang ibibigay niya sa inyo. Alam ko...aminin man natin sa hindi, kahit ikaw na mismong nagbabasa sa mga oras na ito, hindi mo alam kung ano ba ang mga parusang binibigay sa atin ng ating panginoon. Ano ba ang parusa ? Meron tayong kasabihan na lahat ng tao ay may kasalanan.Kaya nga ang lahat ng tao ay meron ding problema. Walang nilalang na walang kasalanan At wala ding nilalang na walang problema. Sa bawat kasalanan mo sa panginoon gaano man ito kaliit o gaano man ito kalaki. Ganon din kalaki o kaliit ang problemang kakaharapin mo.


Sa bawat kasalanang nagagawa mo sa panginoon ay may parusang kapalit yan ang tinatawag natin " PROBLEMA". Ibig kong sabihin na ang sinasabi kong parusang binibigay sa atin ng panginoon, yan ay ang mga problemang kinakaharap natin sa ating buhay. Ang panginoon ang nagbibigay sa atin ng problemang kinakaharap. Depende sa laki ng iyong kasalanan, ganon ding kalaking problema ang darating sa iyong buhay. May mga nagsasabi na...

Bakit si ganito, ang yaman pero ubod nman ng sama ng ugali. Ang nakikita lang po natin ay ang panlabas na kaanyuan ng taong iyon. Pero hindi mo alam kung gaano ba kalaki ang problema nila sa kanilang isipan, na hindi natin nakikita. At hindi rin natin alam kung gaano kalaki ang problemang naghihintay sa kanya pagdating ng takdang panahon, na tanging ang panginoon lang ang nakaka alam kung kaylan niya ibibigay ang parusa niya sa taong iyon. Tulad ng sabi ko nga... Kung isa siyang makasalanan... merot-merong parusang nakalaan sa kanya.

Yan ang darating na problema sa kanilang buhay. Merong nagsasabi...Bakit si ganito, naghihirap samantalang ang bait - bait naman. Minsan hindi natin nababasa ang kanilang isipan. Sa panlabas na kaanyuan nakikita nating mabait... Pero sa kanyang isipan alam mo ba kung gaano kasama or gaano kabuti ang kanyang ini-isip. Minsan sa isip palang may kasalanan na tayo na hindi mo nakikita sa ibang tao. Kung halimbawang tama ka na maaring mabait siya sa kilos at sa kanyang isip maaring wala siyang kinakaharap ng malaking problema sa kanyang buhay.

Para sa mga nagbabasa hindi ko sinasabing paniwalaan ninyo ang mga sinabi ko dito. Nasa inyo pong sarili kung ano ang tama sa inyong nakikita. Maaring ang mga sinabi ko dito ay makatulong ng konti sa mga nakakalimot sa ating panginoon. Hindi ako pari, Hindi rin ako palasimba, Pero relihoso akong tao. Obserbahan mo ang sarili mo...Gaano ba kalaki ang kasalanan mo At gaano ba kalaki ang problema mo ?

Mar 18, 2011

Tell Me Why

2 mga kritiko
Minsan talaga dumarating sa Buhay ng isang Tao na kala mo ay susubsob ka na lang sa isang sulok dahil sa dami ng problema sa buhay, iisipin mo kung papano ka na naman gigising kinabukasan para simulan na naman ang isang araw. Minsan sa dami ng responsibilidad na nakapatong sa balikat mo iisipin mo rin na hanggang kelan ko ba kayang bibitbitin ito ? Kelangan lang talaga ng walang katapusang lakas ng loob, determinasyon, pasensya at higit sa lahat pananampalataya sa Kanya. Kung wala ako ng mga ito, dati na akong sumuko at siguro makita niyo na lang ako sa kalye na naglalakad na isang ulirat.



Di ako nagpapaka Emo ngayon, Blog note ko to at isusulat ko ang gusto kong isulat dahil minsan lang naman ako nagsusulat. Di ba ? Lolz.



These past weeks, months even, I feel like my shoulders are slouching..dahil sa Problema. Ang dami, di ko na maisa-isa. Not only about me, but the family as a whole. Bakit kase may mga lalaki at Babaeng kayang iwanan ang pamilya na sana kanilang pasan. I don’t blame anyone..just asking why ?

Dahil kahit papano, minsan gusto ko din ng sagot. Oo, may pagkukulang din ako but do I deserve these ? If yes, then thank you. Somehow, bata pa lang ako natuto na akong tumayo sa sarili kong mga Paa And thank you ulit dahil ikaw nag turo sa akin nito.

Thank you dahil maayos kong pinatakbo ang buhay ko Pero ang tagal pa eh, ang tagal tagal pa pakiramdam ko ang tagal pa bago ako tuluyang makapag pahinga. Pag nag-iisa ako, ini-imagine ko na pagtanda ko, magawa ko bang maupo na lang sa veranda ng bahay habang nagtsa-tsaa o nagkakape habang nakikinig ng soft music sa umaga at pagmamasdan ang mga halaman sa labas na bahay ? O baka naman kahit lolo pa ako eh eto pa rin at kumakayod para may makain man lang ako o may gamot ako na maiinom bukas.

Buhay nag-iisa, iniwang mag-isa. Ang hirap talaga.
Pero at least feeling ko cute pa rin ako, di ba ?

Meron ba kayong Guts na ganyan ? Hehehe..Lakasan lang ng loob yan !

Seriously, Lagi kong ini-isip na ang taong katulad ko ay may Pag-Asa kaya ?

Life must go on and keep your Head Up High !

Feb 21, 2011

Mahal Talaga Kita

0 mga kritiko
Akala ko pinakamasakit na ang mamatayan ng mahal sa buhay, may mas masakit pa pala doon. Iyong biguin ka ng natitira mong ” strenght provider” parang vitamin mo sa araw araw, parang kape na hindi gigising ang kalamnan kapag hindi ko ito natitikman. Iyong mismong pinaghuhugutan mo lakas ang naging dahilan kung bakit ako sobrang lungkot na lungkot ngayon. Dati rati sya ang tagapunas ng luha ko, taga yakap tuwing naguguluhan ako, nagpapalakas ng loob ko sa tuwing pinanghihinaan ako. Taga payo ko sa magulo kong mundo at kaka iba ko sa lahat ng nararamdaman ko, masaya man o malungkot laging nandyan karamay ko at ang nagbibigay saken ng pag-asa sa buhay kong parang pinagdamutan ng panahon.



Minsan ang pagsasabi ng totoo ang syang magpapalaya sa iyo sa inaakala mong pressure.Hindi ako marunong mamilit ng tao, kulang ako sa talent na yan kadalasan kasi ayaw ko ng hindi nag pagbibigyan. Minsan lang ako humiling at kapag ako ang dumaing sincere yun dahil hindi ako mapagsamantalang tao. Hindi ko kasi maatim magsinungaling, ako yun taong kahit mahirap intindihin o kadalasan kahit mahirap tanggapin pinipilit kong kayanin kahit sobrang durog na ang puso ko , basta totoo lang.



Nagmahal ako, at nagmamahal pa rin.. at sa huli magmamahal pa rin. Isa siguro yan sapagkakapareho naten madaling magmahal at magpahalaga sa mga tao. Minsan ayaw kong isipin na tama sila na masasaktan lang ako kapag patuloy kitang minahal. Pero wala akong katiting na pinagsisihan bakit ako nag buhos ng sobrang emosyon ko, puso at kaluluwa. Simple lang naramdaman kita. Hindi ka siguro nila kilala gaya ng pagkakilala ko sayo.. madali kang mahalin dahil iba ka sa lahat ng taong nakilala ko. Uulitin ko nanaman ito sayo ko lang naramdaman na pahalagahan ng sobra sobra pa sa inaasahan ko.



Kung matatawag man na relasyon ang sa atin. Mahal mo ako at mahal din kita.. merong “tayo” pero hindi ka sa akin. Nakakalitong isipin para sa isang normal na tao, ewan ko kung normal ako o pareho lang tayong siraulo. Isang relasyong walang hawak kamay, walang titigan sa mata, walang pisikal na yakap, pero ang mahalaga ay ating mga ispirito, ang pag-uusap sa ating sari-sariling lengwahe…



Alam kong may mali sa nararamdaman ko dahil alam ko din na sa huli talo ako. Pero dahil mahal kita nananatili ako sa tabi mo. Nalunod ako ….nakalimot…nasa malalim na bahagi na pala ako ng dagat..akala ko nung una masarap pumunta dun nakalimutan ko na hindi pala ako marunong lumangoy.. nalulunod ako sagipin nyo ako.

Patawad kung nahihirapan ka, patawad kung hindi ko napigil ang sarili ko. Ang hinihiling ko lang sayo ay maging totoo ka. Yun lang yun. Pero kahit aminin mo ang totoo o hindi, maging pantasya nya man yun o hindi sa huli nasugatan pa rin ang puso kong babasagin. At hindi ako marunong magpapansin.

Marami na tayong napagdaanan, saya , lungkot at luha.. pero gusto ko malaman mo na hindi ako umasa na tayo sa huli dahil mahal kita at mahal ko at mahalaga sa akin lahat ng mga mahal mo. Hindi ko iniisip ang salitang “Magpakailanman” para sa atin dahil mahal ko ang mga anghel mo. Hindi ako makasarili para tawagin kang “akin” ” ko” dahil alam kong may nagmamay ari na sayo. Nasisiyahan na ako sa konting espasyong binigay mo saken sa buhay mo.. kahit masakit man minsan isipin na sa pagkakaibigan lang mapupunta ang lahat nang ito, masakit yun para sa taong umiibig ngunit kakayanin ko yun para sayo.

Handa akong magparaya palagi saan man relasyon ako masangkot… bahagi na siguro ng pagkatao ko ang magparaya at maging magpagbigay kung ikakaligaya ng kapares ang nakasalalay. Gusto ko pa rin napapasaya ka palagi.. at kung isa ako sa nagpapalungkot ng buhay mo ngayon malamang mag paalam na ako sayo para hindi ka naguguluhan. Wag kang mag alala.. ako pa din ang ” MAHAL” ng buhay mo. Kailangan muna kitang panuodin sa laban mo. Ako naman ay magpapalakas muna dahil nanghina ako sa laban, hindi kasi ako naging handa sa mga ganitong pagkakataon.

Mahal kita at May mas Malalim pang Kahulugan iyan.

Jan 14, 2011

Years After

0 mga kritiko
Nakausap kita, nangangamusta. Binalita mo na okay ka na. Nakamove on na.Kinalimutan mo na siya. Natatawa ka pa nga. Sinasabi mong mabuti at wala na kayo. Nalulungkot ka sa nangyayari sa kanya pero wala ka ng magagawa. Nagkanya-kanya na kayo at nagpapasalamat ka sa Diyos dahil ginising ka niya. Iyon ang sinabi mo.

Hindi ko alam kung bakit iba ang narinig ko. Hindi ko alam kung dapat kong paniwalaan ang pagkakaintindi ko. Na naaapektuhan ka sa nangyayari sa kanya. Na nais mong malaman kung ano na ang balita. Na wala kang magawa o sana may magagawa ka sa kinasasadlakan niya pero hindi na kayo at wala kang paraan para muling mainvolve. Hindi mo man sabihin, parang ang pagkakaintindi ko ay nais mong malaman ang contact number niya o kung paano siya makakausap. Tinapos natin ang pag-uusap na parang bitin, na parang nais mong malaman kung ano ang mga sinabi niya tungkol sa iyo o kung nabanggit ka man lang ba niya.Hindi ka bitter, hindi yun ang nais kong iparating. Gusto ko lang sabihin na minsan, hindi maitatago ng mga salita ang hinanakit ng loob. Matalim ang boses, malalim ang hinga, may tonong naghahanap pa rin ng sagot.

Hindi kinakailangang magpaliwanag at patunayan sa lahat na okay ka na. Malilimutan rin ng mga tao; ng mga kaibigan mo ang pinagdaanan mo. Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang problema, naging bahagi man tayo sa isa’t-isa, hindi kinakailangan ng paliwanag o kwento kung kumusta ka na. Kahit taon ang lumipas, kung sakaling nasasaktan ka pa rin o nalulungkot o nag-iisip kung bakit nangyari yun, ganun talaga. Hindi lang tayo rational being – emotional and social being rin tayo. Hindi ibig sabihin nun na hindi ka nakamove on. Minsan ang ibig sabihin nung ganung sakit sa kabila ng taon na lumipas ay – nagmahal ka ng tunay. Malalim at totoo. Dahil dun, hinahangaan kita.

Dec 29, 2010

Siopao

0 mga kritiko
Kailan lang sinabi ko sayo na ikaw ang pinakamahalaga sa buhay ko ngayon. Naiinis ako sa sarili ko bakit ako nakakaramdam ng ganitong kaadikan. Pero isa lang ang naiisip kong paliwanag dyan. Mahal kita.


Minsan gusto kong tanungin sayo kung ano ba talaga ako sayo… pero sa tuwing maglalakas loob akong tanungin ka bigla akong nahihinto.. bakit? Dahil may naglalaro na sa isip ko na isasagot mo. Maaring matuwa ako o ikadurog ng puso ko. Pero kung sasagutin mo ang tanong ko sana wag yung huli ang sagot. Minsan din gusto kong tanungin kung mahal mo nga ako hanggang kailan kaya? Bakit ko tinatanong? Dahil ayaw kong magising isang araw na wala ka na. Ayaw kong maiwan uli nang nagiisa ng walang kaalam alam na mag iisa na pala ako.


Nasanay na akong nandyan ka. Ang sarap mo kasing mag mahal at uhaw na uhaw ako dun.. parang kang tubig na pamatid sa nauuhaw kong puso. Gaano ko man pigilan ang nararamdaman ko para itong rumaragasang tubig na di kayang pigilin sa pag agos.. Nangangarap ako na minsan maramdaman ko na iba nga ako sa kanila..nagseselos ako. Bakit? dahil kahit sandali lang naging kanya ka. E ako kaya? kelan ko masasabing akin ka nga? Kaylan ko kaya mararamdaman ang mahigpit mong yakap? Nagseselos ako, pero wala akong magawa.. nasasaktan ako pero hindi naman dapat.. sabihin mo ngayon diba adik ako? Sana malaman mo na nagpapakatatag ako palagi na wag maapektohan sa nakikita ko at naririnig ko. Dahil may binitiwan kang salita sa akin.. at dahil mahalaga ka sa akin kung saan ka masaya ….. masaya na rin ako… kahit may pagkakataon na parang dinudurog ang puso ko.. nakangiti pa rin ako para sayo .. handa ko tiisin lahat yun para sa iyo bahagi iyon ng pagtitiwalang hinihingi mo.. at sana hawakan mo ang kamay ko.. sa mga sandaling naguguluhan ako at nangangapa.. iparamdam mo kung ano ang pinagkaiba ko..

kung maaari lagyan mo ako ng pula sa noo para malaman ko na bola-bola ako at hindi asado.




Sa huli mahal pa rin kita.

Followers