Lagi nilang sinasabi na walang permanente sa mundo….
Bukod sa madalas na dialogue sa Pelikula at Teleserye, laging pinapayo ng kaibigan at kakilala, minsan tinuturo sa iskul at bukambibig ni nanay pag feel niya magpa-almusal-tanghalian-hapunan-meryenda-midnight snack ng sermon at minsan mari-realize mo ito kapag dumating ka na sa puntong nahimasmasan na pagkatapos ng lahat ng nangyari.
Kung mas pipiliin mong indi maniwala dito, wala ka namang choice. Bukod sa majority ang sang-ayon dito, tanggapin mo na kasi na totoo naman talagang walang permanente sa mundo. Pati nga mga bahay at building na akala mong habambuhay na sa kinatatayuan nito, dumaan lang si Ondoy na-wipe out lahat bigla diba ? Di ngayon, parang isang pang-hoy gising ito sa ating lahat.
Nung bata tayo akala natin ang mga ngipin natin parang halaman lang na pag nasira, tutubo ulit. Wala man lang early warning nung nabungi ka ulit. Yung tipong magsasabi sa’yo na parang konsensya na…
“ Patay tayo dyan, sinira mo pa. Late na nang sinabi sa’tin na isang beses lang ito magpapalit. Aanhin mo pa ang mamahaling toothpaste kung wala ka nang tu-tutbrasin ? Wala nga kasing permanente. Wala talaga.
Dati, ang pagkakaibigan n’yo ng kababata mo abot hanggang pagtanda.
Para bang kulang na lang sa lalim ng samahan ninyo eh ang pagtanda. Pero sino bang nakakaalam na kasabay sa pagtanda ninyo ang pagtigas ng kapwa n’yo ulo hanggang sa indi malamang kadahilanan, pati pala ito pwede ring mawala ?
Kung minsan, kahit gaano mo kamahal ang trabaho mo na halos ibigay mo na pati ang oras na para sa sarili at sa pamilya… sa isang iglap, kaya nitong balewalain lahat ang pinaghirapan mo dahil sa mas prioridad nito ang kapakanan ng kumpanya kesa sa’yo.
Dati, sabi nila hangga’t indi pa kasal pwede pa…may pag-asa pa para ma-check kung sino ang papakasalan. Pero ngayon, kasal na’t lahat – may mga anak – kahit pa me apo na…naaagaw at inaagaw pa rin. Ang kasal para na rin itong walang saysay At kung kelang may asawa na, saka pa parang nag-aalangankung sure na ba talaga sa napiling makasama habambuhay.
Indi lang pagkain ang may expiration date o kaya mga perishable goods ang nasisira. Pati mga snatcher at holdaper, walang pagpapahalaga kung gaano mo katagal pinag-ipunan ang pambili ng gadget na pinakaaasam-asam mo. Yung mga pagkain na tiniis mong indi kainin at ilang kilometrong nilalakad mo araw-araw para lang makatipid sa pamasahe para lang dekwatin nila ang mga ito ng ganun-ganun lang. Sana sa tuwing magtetex at tatawag sila gamit ang cellfon na pinaghirapan mo o di kaya eh habang naglalakad sila papuntang pawnshop para ibenta ito, maisip nila ang lahat ng tiniis mo.Haiist!
Ang lahat-lahat sa buhay natin ay may deadline na confidential ang petsa. Malalaman daw kasi ito sa tamang panahon at pagkakataon. Samantala, binigyan naman tayo ng mahahabang panahon para alamin sa ating sarili thru the course of life kung ano talaga ang purpose natin sa mundong ito. Siguro naman, sapat na ang 70-80 years (sana abutin ko ‘to hehe..) para makuha ang sagot sa mga tanong na akala natin ay wala talagang sagot.
Sa lahat ng niregalo satin ni Bro, ito lang yung kailangang isoli pero tingnan mo naman…buhay yung binigay niya pero okay lang sa Kanya kung wala nang buhay pag binawi na niya. Yung iba nga, binibigyan pa niya ng second chance para mag bagong buhay, meron ding inaabswelto, inilalagay sa lugar na maraming bantay at rehas na bakal kasama ng ibang naabswelto para matuto sa pagitan ng hirap ng buhay sa loob at yung ibang may taning na…pilit pa rin niyang dinudugtungan para magkaron pa ng pagkakataong makasama ang mga mahal sa buhay. Walang permanente sa mundo.
Kaya bakit indi natin gamitin ang pagkakataon na ito para ipakita at iparamdam sa lahat kung gaano ito kaganda. Indi nga ito perpekto. Puno nga ito ng pagbabago at paghihirap, indi buhay ang tawag dito kung wala nito. Pero sa bawat hirap, meron ding saya,selebrasyon at sakses. Dapat nating ipagpasalamat ang kung nasan man tayo ngayon kasi ito ang plano sa atin ni Bro Boss, ito ang misyon na inayon sa atin.
Everything in Life has Purpose. There are no Mistakes, No Coincidences, All events are Blessings Given to us to Learn from.”
Kaya kahit walang permanente sa mundo, ayus lang. We just have to make the most out of it. Bigyan natin ng pagkakataon ang sarili at ang ibang tao na ituwid ang pagkakamali.
Forgive but never Forget. Tapos smile na…