Akala ko pinakamasakit na ang mamatayan ng mahal sa buhay, may mas masakit pa pala doon. Iyong biguin ka ng natitira mong ” strenght provider” parang vitamin mo sa araw araw, parang kape na hindi gigising ang kalamnan kapag hindi ko ito natitikman. Iyong mismong pinaghuhugutan mo lakas ang naging dahilan kung bakit ako sobrang lungkot na lungkot ngayon. Dati rati sya ang tagapunas ng luha ko, taga yakap tuwing naguguluhan ako, nagpapalakas ng loob ko sa tuwing pinanghihinaan ako. Taga payo ko sa magulo kong mundo at kaka iba ko sa lahat ng nararamdaman ko, masaya man o malungkot laging nandyan karamay ko at ang nagbibigay saken ng pag-asa sa buhay kong parang pinagdamutan ng panahon.
Minsan ang pagsasabi ng totoo ang syang magpapalaya sa iyo sa inaakala mong pressure.Hindi ako marunong mamilit ng tao, kulang ako sa talent na yan kadalasan kasi ayaw ko ng hindi nag pagbibigyan. Minsan lang ako humiling at kapag ako ang dumaing sincere yun dahil hindi ako mapagsamantalang tao. Hindi ko kasi maatim magsinungaling, ako yun taong kahit mahirap intindihin o kadalasan kahit mahirap tanggapin pinipilit kong kayanin kahit sobrang durog na ang puso ko , basta totoo lang.
Nagmahal ako, at nagmamahal pa rin.. at sa huli magmamahal pa rin. Isa siguro yan sapagkakapareho naten madaling magmahal at magpahalaga sa mga tao. Minsan ayaw kong isipin na tama sila na masasaktan lang ako kapag patuloy kitang minahal. Pero wala akong katiting na pinagsisihan bakit ako nag buhos ng sobrang emosyon ko, puso at kaluluwa. Simple lang naramdaman kita. Hindi ka siguro nila kilala gaya ng pagkakilala ko sayo.. madali kang mahalin dahil iba ka sa lahat ng taong nakilala ko. Uulitin ko nanaman ito sayo ko lang naramdaman na pahalagahan ng sobra sobra pa sa inaasahan ko.
Kung matatawag man na relasyon ang sa atin. Mahal mo ako at mahal din kita.. merong “tayo” pero hindi ka sa akin. Nakakalitong isipin para sa isang normal na tao, ewan ko kung normal ako o pareho lang tayong siraulo. Isang relasyong walang hawak kamay, walang titigan sa mata, walang pisikal na yakap, pero ang mahalaga ay ating mga ispirito, ang pag-uusap sa ating sari-sariling lengwahe…
Alam kong may mali sa nararamdaman ko dahil alam ko din na sa huli talo ako. Pero dahil mahal kita nananatili ako sa tabi mo. Nalunod ako ….nakalimot…nasa malalim na bahagi na pala ako ng dagat..akala ko nung una masarap pumunta dun nakalimutan ko na hindi pala ako marunong lumangoy.. nalulunod ako sagipin nyo ako.
Patawad kung nahihirapan ka, patawad kung hindi ko napigil ang sarili ko. Ang hinihiling ko lang sayo ay maging totoo ka. Yun lang yun. Pero kahit aminin mo ang totoo o hindi, maging pantasya nya man yun o hindi sa huli nasugatan pa rin ang puso kong babasagin. At hindi ako marunong magpapansin.
Marami na tayong napagdaanan, saya , lungkot at luha.. pero gusto ko malaman mo na hindi ako umasa na tayo sa huli dahil mahal kita at mahal ko at mahalaga sa akin lahat ng mga mahal mo. Hindi ko iniisip ang salitang “Magpakailanman” para sa atin dahil mahal ko ang mga anghel mo. Hindi ako makasarili para tawagin kang “akin” ” ko” dahil alam kong may nagmamay ari na sayo. Nasisiyahan na ako sa konting espasyong binigay mo saken sa buhay mo.. kahit masakit man minsan isipin na sa pagkakaibigan lang mapupunta ang lahat nang ito, masakit yun para sa taong umiibig ngunit kakayanin ko yun para sayo.
Handa akong magparaya palagi saan man relasyon ako masangkot… bahagi na siguro ng pagkatao ko ang magparaya at maging magpagbigay kung ikakaligaya ng kapares ang nakasalalay. Gusto ko pa rin napapasaya ka palagi.. at kung isa ako sa nagpapalungkot ng buhay mo ngayon malamang mag paalam na ako sayo para hindi ka naguguluhan. Wag kang mag alala.. ako pa din ang ” MAHAL” ng buhay mo. Kailangan muna kitang panuodin sa laban mo. Ako naman ay magpapalakas muna dahil nanghina ako sa laban, hindi kasi ako naging handa sa mga ganitong pagkakataon.
Mahal kita at May mas Malalim pang Kahulugan iyan.
0 mga kritiko:
Post a Comment
Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.