Sep 24, 2011

Kung hindi man ikaw

6 mga kritiko
Kung hindi man ikaw ang pinakamatangkad
Huwag mong kalilimutang may mas maliit pa sa iyo na di hamak

Kung hindi man ikaw ang pinakamatalino
Tandaan na may mga bagay na alam mo

Kung hindi man ikaw ang pinakasikat
Isipin mong kilala ka pa rin ng Panginoon ng lahat

Kung hindi man ikaw ang pinakamabuti
Alalahanin mong di naman madalas ang iyong pagkakamali

Kung hindi man ikaw ang pinakamaganda
Tandaan mong wala kang kapansanan at mapalad ka

Kung hindi man ikaw ang pinaka sa pinaka
Huwag mong piliting tingnan katangian na nasa iba

Balikan mo ang maraming bagay
Na tanging sa iyo lamang Kanyang ibinigay

At kung hindi mo man matanggap ang iyong katauhan
Sino ka para angkinin ang "ikaw?"

Sep 21, 2011

Daydreaming

6 mga kritiko
Isang napakahalagang aspeto ito sa buhay ng tao, sa buhay ng bawat isa. Malaki ang nagiging epekto nito at binubuhay nito ang ating buhay, pinapasaya ang bawat araw ng ating kalungkutan. Kung madalas kang mangarap walang puwang sa puso't isipan mo ang kalungkutan. Pinapalitan ng kaligayahan ang bawat kalungkutang dumarating sa atin. Nagagawa tayong pangitiin sa bawat bagay na ating napapangarap. Nagagawa mong pagaangin at i-relax ang iyong isipan at mai- enjoy mo ang kalayaang mangarap sa mga magagandang bagay na inaasahan mong gagawin sa iyong pamumuhay, mga bagay na nais mong gawin sa mga susunod na mga araw, mga bagay na nais mong marating sa iyong buhay, mga bagay na nais mong i-bahagi sa iyong kapwa at malaki rin ang epekto nito lalo na sa pag ibig at ituturo sa iyo ang tamang daan kung saan mo man nais tumungo ng walang anumang limitasyon or hangganan. Libre ang mangarap, libre ang mag isip, may kalayaan kang isipin ang mga siguradong alam mong magagandang bagay na maari mong gawin higit sa mga bagay na makakasira sa iyong buhay. Karamihan sa mga bagay na ginagawa natin ngayon ay parte na kung paano mo ilalarawan ang klase ng iyong pamumuhay at kung paano mo mae-enjoy ang bukas. Ang mangarap ang pagkakataon kung paano natin nakikita ang ating sarili sa mga darating na araw. Ang ating isipan ay maihahalintulad ko sa isang papel kung saan kaya mong maglarawan ng bagay tulad din yan kung paano ka mangarap, nailalarawan mo sa iyong isipan ang mga bahagi at instrumento ng iyong kaligayahan.

Minsan nangangarap din ako ng gising mga simpleng pangarap na unti-unti kong nagagawa at natutupad. Nangangarap ako ng mga simpleng bagay kasama ng mga mahal ko sa buhay. Mag karoon ng simpleng tahanan na napapaligiran ng mga simpleng halaman at prutas sa paligid pag aalaga ng mga manok kung saan nagsisilbing libangan ko habang pinapakingan ko ang mga music na pinapangarap kong pakingan kahit noong wala pa akong kakayahang kamtan ang mga ganyang kasimpleng bagay. Tulad ng mga sinabi ko ang mangarap ang daan kung ano ang gusto mong gawin bukas. Napakasaya ko ngayon dahil ang mga simple sa aking pangarap ay dumating na sa aking buhay. Minsan may mga pangarap tayo na alam natin malayong mangyari sa reyalidad ng buhay kung hindi mo alam ang daan patungo sa iyong pangarap.

Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pinapangarap, nangangarap tayo ng mga magagandang bagay na nais nating gawin, kahit minsan nangangarap tayo ng mga bagay na alam din nating hindi nating kayang gawin, mga bagay na hinaharangan tayo ng mga pag aalinlangan kung paano natin gagawin ang isang bagay. Nagagawa lang natin dahil sa mga pambihira nating paraan na nakukuha natin sa ating pangangarap ng gising kung saan ikaw lang ang tao sa sarili mong mundo na kahit anong hadlang sa pamamagitan ng lakas ng iyong pag iisip tumitibay tayo upang tumayong muli. Kung hindi ka marunong mangarap hindi ka makakabuo ng isang pangarap, hindi mo malalaman kung paano mo malalasap ang isang kaligayahan na dulot ng iyong pinapangarap gawin. Ang mangarap ay larawan ng kung ano ang iyong bukas, larawan din ng iyong kasiyahan at larawan ng iyong mga ngiti kung ano ang iyong nais marating, kung ano ang daan. Lahat tayo normal na sa atin ang mag-isip kadalasan lang yung iba sa atin iniisip o nangangarap kung ano ang mga panandaliang kaligayahan na pansariling kaligayahan lang ang normal na madalas nating iniisip. May mga tao rin na ang kadalasang iniisip o pinapangarap ay kung ano ang makakatulong sa pag unlad. May mga nangangarap din na kung ano ang magagawang makakasaya sa kanyang sarili sa mga bagay na nakamit niya. Ang mangarap ay isang instrumento din ng kasiyahan nating lahat, ng ating sarili, ng ating isipan. Ang mangarap ay isa rin na masasabi kong paraan ng magagandang asal, ng magandang pag uugali na pwede niyang gawin sa kahit sino, kahit na sa anong paraan. Magagawa mong maging bayani sa pangarap. Ang mangarap ay isang salamin ng buhay ng bawat isa kung saan pwede mong makita ang mga bagay na nais mong gawin sa iyong kapwa, sa iyong sarili sa mga darating na araw. Ang mangarap ang magtutulak sa iyo sa magagandang pwedeng mangyari sa iyong buhay. Sa telon ng buhay ikaw ang bida.

Ang mangarap ang nagbibigay sa akin ng lakas sa araw-araw kung pamumuhay, nag sisilbing vitamina ng aking isipan para sa mga gusto kong tahakin na tamang daan. Ito din ang dahilan kaya natututo akong magpasensiya sa mga hindi magagandang bagay na nangyayari sa akin sa araw-araw. More thinking, more positive sa buhay. Sa pangarap walang halaga ang kamalian, walang halaga ang ano mang kahihiyan, walang puwang ang kasamaan, walang puwang ang kalungkutan, walang iyakan, walang puwang ang ano mang hadlang sa nais mong marating sa buhay. Para sa akin mahalaga ang mangarap ginto ang katumbas na madaling sabihin ngunit mahirap hanapin, madaling isipin mahirap gawin. Pero... ano man ang lahat ng bahagi sa aking mga pangarap andiyan parin lagi ang panginoon na nag sisilbing sandata ko at kakampi upang matupad ang pinapangarap.

Mahalaga ang mangarap dahil ito ang iyong daan, ito ang iyong kaligayahan, ito ang iyong buhay at ito rin ang mag bubuo ng iyong pagkatao.

ANG PANGARAP KO SA BUHAY
IBIGAY SA AKING PAMILYA ANG KANILANG PINAPANGARAP.

Followers