Sep 24, 2011

Kung hindi man ikaw

Kung hindi man ikaw ang pinakamatangkad
Huwag mong kalilimutang may mas maliit pa sa iyo na di hamak

Kung hindi man ikaw ang pinakamatalino
Tandaan na may mga bagay na alam mo

Kung hindi man ikaw ang pinakasikat
Isipin mong kilala ka pa rin ng Panginoon ng lahat

Kung hindi man ikaw ang pinakamabuti
Alalahanin mong di naman madalas ang iyong pagkakamali

Kung hindi man ikaw ang pinakamaganda
Tandaan mong wala kang kapansanan at mapalad ka

Kung hindi man ikaw ang pinaka sa pinaka
Huwag mong piliting tingnan katangian na nasa iba

Balikan mo ang maraming bagay
Na tanging sa iyo lamang Kanyang ibinigay

At kung hindi mo man matanggap ang iyong katauhan
Sino ka para angkinin ang "ikaw?"

6 mga kritiko:

-mark- said...

ang galing, very well said. dahil dito nababawi ko ang lakas ko at matatawag ko na ulit ang sarili ko na ako. very nice post!!!!!!!

Rocky Batumbakal said...

nakakainspire tong post na to.

palakanton said...

ang galing pre..... galing

empi said...

Tama!

shyvixen said...

like like like!!!!!.. :D

Vin said...

salamat mga kapanalig. :D

Post a Comment

Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.

Followers