Nov 26, 2010

Letting Go

2 mga kritiko
Minsan may mga bagay na kahit anong gusto nating manatili sa buhay natin, kahit anong panalangin, iyak ang gawin kung talagang hindi para sayo wala kang magagawa. Maglumuhod ka man araw araw, magpakabuti para lang maisakatuparan ang bagay na ninanais mo pero sa di inaasang pagkakataon di pa rin pwede. Anong gagawin mo?

Bakit ba ang hirap tanggapin na kung ano pa yun pinaka gusto mo hindi talaga pwedeng maging sayo. Yun isang bagay na pinanghahawakan mo dahil yun lang ang pinaka magandang alala na nangyari sayo yun pa ang mawawala. Iiyak ka sa isang tabi, kahit hindi mo isipin parang nangaasar na yun pa rin palagi ang sumasagi sa isip mo. Pilit mong nilalabanan ang sarili mo na wag magpatalo sa emosyon mo pero… parang isang sirang plaka na sumasagi sa isip mo na wala na.. hindi na pwede.. tapos na.. bumitaw ka na.. Mahirap.. kahit parang unggoy kang naka kapit sa sanga kung yun sangang kinakapitan mo nabali na.. ang sabi nang iba, kung mabali man ang sanga itatali daw nya uli yun para lang makakapit ka uli.. pero di ba pag nabali na ang sanga.. mamamatay na rin ito… kahit pa itali mo sya..

Ano ba itong pinag sasabi ko? Bagong taon napaka senti ko. Sa totoo lang ayaw ko naman mag paka senti eh, ang kaso lang hindi kasi mawala sa isip ko kaya kilangan ko ilabas. Bago mag bagong taon para akong mawawalan ng hininga kasi yun bagay na pinahahalagahan ko nagkaron na ng katapusan. Hindi na pwede.. . Pinipilit kong magpakatatag pero bakit ang isip parang mas matalas pa sa kutsilyo kung manakit? Minsan mas gugustuhin mo nalang matulog palagi para yun sakit hindi mo maramdaman.. o much better sana hindi ka nalang magising para tapos na ang paghihirap mo..

Pero kung ganon naman ang gagawin mo.. lalabas kang duwag.. ang hirap makipaglaban sa utak at puso.. para mabawasan ang sakit uminom ako ng alak.. nilunod ko ng alak yun lalamunan ko.. tatlong araw sunod sunod.. pero bakit pag nahimasmasan ka nandun pa din ang sakit.. kahit isang baldeng luha na ang iniyak mo bakit andun pa din yun katotohanan na wala na.. Pero, nakapag isip ako na.. ano nga ba talaga yun nag ti trigger ng sakit sa atin? Iyon bang pagtanggap na talo na tayo wala na tayong magagawa dun.. yun ego ba.. o yun pagtanggap ng katotohanan na lahat ng mga alala ay mababalewala na. Pero kung ano pa man ang dahilan andun pa din ang sakit .. sakit na kelangan mo na nang mag let go.. kahit mahirap kilangan kong maging matatag.. dahil kilangan kong tanggapin na walang permanente sa mundong ito.. lahat kumukupas.. lahat nagbabago.. at ang tangi ko nalang magagawa ay ang pagtanggap.. pag bitaw.. at pagpaparaya.. hindi ba mas masarap yun pakiramdam na nagpapatawad ka.. yung kahit masakit sa puso mo.. wala ka namang magagawa .. imbis na isumpa mo yun tao o magalit ka.. hindi ba mas maganda kung magwish ka para sa tao ng mabuti.. dahil minsan may pinagsamahan din kayo.. at lalo pa minahal mo sya.. mahirap magparaya.. pero balang araw alam ko na may mga pintuan na magbubukas para sa katulad ko..

Bago magtapos ang taon 2010, sinigurado ko na wag maapektohan sa mga bagay na nangyayari sa akin.. sa pag ibig na hinawakan ko nang mahigpit.. ayokong magpatalo sa emosyon ko.. suko na ako.. pero hindi ibig sabihin na duwag ako.. ibig sabihin nito ay natuto akong tumanggap ng pagkatalo.. ibig sabihin itong dumating na ito sa buhay ko ay isang challenge.. challenge sa buhay na kahit apak na apak na ang pagkatao mo.. natuto ka pa ding ngumiti, lumaban.. maging matatag.. at.. maalala si Bosing.. napakasarap ng pakiramdam yun walang wala kang lakas .. magsusumbong sa kanya.. walang kasing sarap ng pakiramdam. Ayaw kong magtagal na nagdadalamhati.. oo magdalamhati ka mga ilang araw.. pero kelangan mong bumangon sa pagkadapa.. at iyon ang ginagawa ko ngayon.. babangon ako. . at magpapakatatag pa..May bukas pang naghihintay sa akin..


I think that the only reason people hold onto memories so tight is because memories are the only things that dont change; when everybody else does. I’ve learned that things change, people change, and it doesn’t mean you forget the past or try to cover it up. It simply means that you move on and treasure the memories. Letting go doesn’t mean giving up… it means accepting that some things weren’t meant to be.”

Nov 20, 2010

Ang Pelikula sa Tunay na Buhay

0 mga kritiko
Alin ka ba sa Dalawang Major Major Role ? Bida or Kontrabida ? Gusto mo ba ang cast ngayon sa pelikulang ginagawa mo ? Anung istorya ba ang iniikutan nito. More on Lovestory ? Action ? Suspense ? fiction ? Documentary ? Comedy ? Sex and violence ? O Drama ?

Lahat ng tao, may kanya-kanyang pelikula pero sikreto ang story plot. Magugulat ka na lang sa cast. Indi na kailangan ng producer, sponsors at ads. Si Bro Boss ang direk at ang masaklap dito, lahat ng galaw ay indi lang parte ng pag-arte dahil malamang totoo ang lahat at ito ay walang re-take kaya dapat ang bawat dialogue at galaw, siguraduhing sure na.

Ang buhay ay walang katapusang pelikula. Kung ang totoong artista, pwede pang magbakasyon sa ilang buwang sunud-sunud na raket…ito kahit na nakabakasyon ay parte pa rin ng pelikula. Tuloy-tuloy lang mula sa pagkapanganak hanggang sa libingan. Tulog lang ang pahinga.

In all fairness, binigyan pa rin naman tayo ng pagkakataon para pumili ng magiging role natin. Kung alin man sa klase ng tao ang gustu nating gampanan…walang guidelines na pinamimigay kung paanu ito gagampanan. Lahat ay sariling diskarte. Kung magkamali man, ok lang kasi ikaw rin naman ang magsa-suffer sa ginagawa. Ang talent fee ay indi pera o gold bars kundi fulfillment as a person. Minsan happiness , pwede ring love o kaya success .

Alam naman nating lahat na indi madaling gampanan ang mga role natin ngayon sa ating buhay. Indi ito isang laro na kapag nahirapan ka na eh bibigay ka na at kikitlin ang sariling buhay dahil sa pakiramdam na para bang wala nang katapusan ang hirap at lungkot. Wala nang solusyon. Meron pang feeling na kung kelan kailangan mo si Bro eh para pa siyang nananadya at nasa bakasyon.


Aware din tayong lahat na anumang hirap ang dinadaanan natin…isa lang itong PAGSUBOK. Na ito ay lilipas din at laging iisipin na lahat ng bagay ay may solusyon. It’s easy for us to say. Madali para sa iba na wala sa sitwasyon. Pero sa iba na nandun, yung solusyon na sinasabi nila makakamit mo pagkatapos sumuot sa butas ng karayom. Kunsabagay, wala namang madali eh. Lahat ng bagay, bago mo makuha kailangang may isasakripisyo. May pilian portion. Makakamit natin ang mga ito, uu naman daw… but not all at once. Isa-isa lang daw. Wala namang perpektong buhay eh.

Indi lahat ng mayaman ay masaya. Minsan ang yaman, ito pa ang pinag-uugatan ng ilang problema.

Indi lahat ng in a relationship ay masaya. Meron kasing dyan, indi naman sila compatible. Pinipilit lang maging ok sa ngalan ng prinsipyo at ego.

Indi lahat ng mahirap o salat sa Pera, kailangang maging malungkot. Mas masarap pa rin ang mabuhay ng simple.

Kasi sa ganitong sitwasyon, nagkakaron tayo ng goal. Nangangarap. Indi nakakalimot kay Big Boss. Mababaw lang ang kaligayahan. Nagiging masaya na sa mga simpleng bagay.

Indi naman basehan ng Pagkatao ang Estado nito sa Buhay. Nagkakataon lang na merong mga pinanganak na mahirap, may kaya at mayaman. Walang favoritism si Bro. Nasa bunga ng pagsisikap ang mga ito at walang siyang kinalaman sa mga ito.

Sa pelikula ng buhay natin. Tayo ang Bida. Tayo ang may hawak ng oras. Nasa sa ating pasya kung anu ang pwede nating makamit habang nabubuhay sa mundong ito. Kaya sana gawin nating makabuluhan.


Wag lagi nakasentro sa pangarap. Paminsan-minsan, i-enjoy natin ang mga taong nakapaligid at yung tinatawag nilang "Moments” dahil minsan lang ang mga ito dadaan. Wag nating hayaang ma-miss ang mga mahahalagang bagay na ito sa buhay natin. Dahil minsan lang tayong mabubuhay sa mundo. Indi uso ang “ Time First.” At wala nang ulet-ulet.

Nov 12, 2010

Salamat

0 mga kritiko
Sa panahong ako'y litong-lito
Salita mo'y narito
Sa puso kong hindi mapakali
Pinatunayan mong hindi ako bigo

Sa oras ng kalabuan ng aking buhay
Ikaw ang aking naasahan
Sa aking kasiyahan
Alam kong ikaw ay nariyan

Sa maikling panahon
Madali mong naahon
Ang lunod kong buhay
Upang maging makulay

Sa iyo ko naramdaman
Ang tunay na pagkakaibigan
Na hindi ko ipagpapapalit
Kahit isang saglit

Kung hihiling pa ako sa Kanya
Ng isang kaibigang nais kong makilala
Sana'y isang taong kagaya mo

Na hindi magsasawang tumulong sa tulad ko.

Followers