Nov 20, 2010

Ang Pelikula sa Tunay na Buhay

Alin ka ba sa Dalawang Major Major Role ? Bida or Kontrabida ? Gusto mo ba ang cast ngayon sa pelikulang ginagawa mo ? Anung istorya ba ang iniikutan nito. More on Lovestory ? Action ? Suspense ? fiction ? Documentary ? Comedy ? Sex and violence ? O Drama ?

Lahat ng tao, may kanya-kanyang pelikula pero sikreto ang story plot. Magugulat ka na lang sa cast. Indi na kailangan ng producer, sponsors at ads. Si Bro Boss ang direk at ang masaklap dito, lahat ng galaw ay indi lang parte ng pag-arte dahil malamang totoo ang lahat at ito ay walang re-take kaya dapat ang bawat dialogue at galaw, siguraduhing sure na.

Ang buhay ay walang katapusang pelikula. Kung ang totoong artista, pwede pang magbakasyon sa ilang buwang sunud-sunud na raket…ito kahit na nakabakasyon ay parte pa rin ng pelikula. Tuloy-tuloy lang mula sa pagkapanganak hanggang sa libingan. Tulog lang ang pahinga.

In all fairness, binigyan pa rin naman tayo ng pagkakataon para pumili ng magiging role natin. Kung alin man sa klase ng tao ang gustu nating gampanan…walang guidelines na pinamimigay kung paanu ito gagampanan. Lahat ay sariling diskarte. Kung magkamali man, ok lang kasi ikaw rin naman ang magsa-suffer sa ginagawa. Ang talent fee ay indi pera o gold bars kundi fulfillment as a person. Minsan happiness , pwede ring love o kaya success .

Alam naman nating lahat na indi madaling gampanan ang mga role natin ngayon sa ating buhay. Indi ito isang laro na kapag nahirapan ka na eh bibigay ka na at kikitlin ang sariling buhay dahil sa pakiramdam na para bang wala nang katapusan ang hirap at lungkot. Wala nang solusyon. Meron pang feeling na kung kelan kailangan mo si Bro eh para pa siyang nananadya at nasa bakasyon.


Aware din tayong lahat na anumang hirap ang dinadaanan natin…isa lang itong PAGSUBOK. Na ito ay lilipas din at laging iisipin na lahat ng bagay ay may solusyon. It’s easy for us to say. Madali para sa iba na wala sa sitwasyon. Pero sa iba na nandun, yung solusyon na sinasabi nila makakamit mo pagkatapos sumuot sa butas ng karayom. Kunsabagay, wala namang madali eh. Lahat ng bagay, bago mo makuha kailangang may isasakripisyo. May pilian portion. Makakamit natin ang mga ito, uu naman daw… but not all at once. Isa-isa lang daw. Wala namang perpektong buhay eh.

Indi lahat ng mayaman ay masaya. Minsan ang yaman, ito pa ang pinag-uugatan ng ilang problema.

Indi lahat ng in a relationship ay masaya. Meron kasing dyan, indi naman sila compatible. Pinipilit lang maging ok sa ngalan ng prinsipyo at ego.

Indi lahat ng mahirap o salat sa Pera, kailangang maging malungkot. Mas masarap pa rin ang mabuhay ng simple.

Kasi sa ganitong sitwasyon, nagkakaron tayo ng goal. Nangangarap. Indi nakakalimot kay Big Boss. Mababaw lang ang kaligayahan. Nagiging masaya na sa mga simpleng bagay.

Indi naman basehan ng Pagkatao ang Estado nito sa Buhay. Nagkakataon lang na merong mga pinanganak na mahirap, may kaya at mayaman. Walang favoritism si Bro. Nasa bunga ng pagsisikap ang mga ito at walang siyang kinalaman sa mga ito.

Sa pelikula ng buhay natin. Tayo ang Bida. Tayo ang may hawak ng oras. Nasa sa ating pasya kung anu ang pwede nating makamit habang nabubuhay sa mundong ito. Kaya sana gawin nating makabuluhan.


Wag lagi nakasentro sa pangarap. Paminsan-minsan, i-enjoy natin ang mga taong nakapaligid at yung tinatawag nilang "Moments” dahil minsan lang ang mga ito dadaan. Wag nating hayaang ma-miss ang mga mahahalagang bagay na ito sa buhay natin. Dahil minsan lang tayong mabubuhay sa mundo. Indi uso ang “ Time First.” At wala nang ulet-ulet.

0 mga kritiko:

Post a Comment

Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.

Followers