Dec 29, 2010

Siopao

0 mga kritiko
Kailan lang sinabi ko sayo na ikaw ang pinakamahalaga sa buhay ko ngayon. Naiinis ako sa sarili ko bakit ako nakakaramdam ng ganitong kaadikan. Pero isa lang ang naiisip kong paliwanag dyan. Mahal kita.


Minsan gusto kong tanungin sayo kung ano ba talaga ako sayo… pero sa tuwing maglalakas loob akong tanungin ka bigla akong nahihinto.. bakit? Dahil may naglalaro na sa isip ko na isasagot mo. Maaring matuwa ako o ikadurog ng puso ko. Pero kung sasagutin mo ang tanong ko sana wag yung huli ang sagot. Minsan din gusto kong tanungin kung mahal mo nga ako hanggang kailan kaya? Bakit ko tinatanong? Dahil ayaw kong magising isang araw na wala ka na. Ayaw kong maiwan uli nang nagiisa ng walang kaalam alam na mag iisa na pala ako.


Nasanay na akong nandyan ka. Ang sarap mo kasing mag mahal at uhaw na uhaw ako dun.. parang kang tubig na pamatid sa nauuhaw kong puso. Gaano ko man pigilan ang nararamdaman ko para itong rumaragasang tubig na di kayang pigilin sa pag agos.. Nangangarap ako na minsan maramdaman ko na iba nga ako sa kanila..nagseselos ako. Bakit? dahil kahit sandali lang naging kanya ka. E ako kaya? kelan ko masasabing akin ka nga? Kaylan ko kaya mararamdaman ang mahigpit mong yakap? Nagseselos ako, pero wala akong magawa.. nasasaktan ako pero hindi naman dapat.. sabihin mo ngayon diba adik ako? Sana malaman mo na nagpapakatatag ako palagi na wag maapektohan sa nakikita ko at naririnig ko. Dahil may binitiwan kang salita sa akin.. at dahil mahalaga ka sa akin kung saan ka masaya ….. masaya na rin ako… kahit may pagkakataon na parang dinudurog ang puso ko.. nakangiti pa rin ako para sayo .. handa ko tiisin lahat yun para sa iyo bahagi iyon ng pagtitiwalang hinihingi mo.. at sana hawakan mo ang kamay ko.. sa mga sandaling naguguluhan ako at nangangapa.. iparamdam mo kung ano ang pinagkaiba ko..

kung maaari lagyan mo ako ng pula sa noo para malaman ko na bola-bola ako at hindi asado.




Sa huli mahal pa rin kita.

Dec 19, 2010

Untill we meet again

2 mga kritiko
Im sure ito na lang ang kulang. Baka nga eto na lang ang hinihintay mo or ako Hindi ko alam kung naghihintayan na lang ba tayo kung sino ang mauuna or you just want to show a little courtesy na ako na lang ang umalis kesa ako ang iwan mo. To formalize everything, Mahal, I just left.



I left with my pride. I left with full of love. I left with good memories with you.

I still respect you as my partner. My “ has been” partner. Everything happens for a reason. You’re a good reason. You’re in fact part of my being. I admire how you treated me, how you handled me.



but our love fades. Alam kong alam mo yun. Sa simula lang pala tayo click. Sa simula lang pala tayo okay. Natatawa ako kapag hindi nag ja-jive ang ang mga ideas natin. Ibang-iba kesa noon. Ngayon kasi, madalas ay iba ang tingin mo o ideas mo sa mga bagay-bagay. Dati-rati, laging pareho tayo ng iniisip. Dati lagi tayong nagkukwentuhan. Dati hindi tayo matutulog hangga’t hindi okay ang isa’t-isa.



You lost me somewhere.

Until I found myself with someone. Hindi ito justification. Tingin ko, intervention ni God ito. I will not go into details. It is unethical. I wish you happiness too. I think I am not your happiness and I really hope I am not, I guess that’s why I left. I want you to know that I will still pursue my happiness. I may sound selfish but for me its freedom. It’s about searching love and finding one. I guess, nahanap kami ni Cupido at Pinagtagpo.

Sabi natin nun, incase na maghiwalay tayo, no dramas di ba ? Just leave the house. I kissed you Goodbye while you were sleeping. Last kiss as a sign of respect.


I have loved you and will always be thankful that once, you’ve been part of me.

Thank you for all the love, the memories and lessons that we both learned. Till we meet again.

Dec 8, 2010

Stranger

0 mga kritiko
Kanina habang naglalakad ako papauwi, nakasalubong na naman kita.Mag-isa ka lang naglalakad tulad ko. Sa itsura mo, mukhang napaka suplada mo at para bang nakakailang kang kausapin pero kahit ganun ang lakas ng dating mo sakin. Ito na siguro ang pang labin-limang beses na pagtatagpo ng landas natin. Na cucurious na nga akong malaman kung anong pangalan mo.Kaso alam ko naman na para sayo isa lamang din akong estranghero katulad mo sakin. Maaaring madalas mag tagpo ang landas natin pero gaya ko napapansin mo din kaya ang isang tulad ko ? Binibilang mo din kaya kung ilang beses na tayong nag kakasalubong ? Naiisip mo din kaya ang iniisip ko sayo ?



Sa tuwing uuwi ako galing sa Iskul, lagi nga akong excited eh.Kasi siguradong makakasalubong na naman kita. Akala nga ng mga kaklase ko, may susundong Girl friend sakin dahil abot tenga daw ang ngiti ko. Ngingitian ko lang sila pagkatapos nun nagmamadali na kong pumunta ng Kalaw baka kasi mahuli ako ng isang minuto at hindi ko siya makita. Pihidong malulungkot ako nun. Ewan ko ba pero sa ngayon kasi makita lang kita masaya na ako. Masayang masaya...



Eksaktong 5:30 ng hapon naka tambay na ko at naglalakad lakad baka sakaling makita ka. Paikot ikot ako sa maglakad pero ni anino mo hindi ko nakita.Halos araw-araw ganitong oras papalabas kana ng ADU samantalang nag aabang ako ng bus pero bakit ngayon wala ka pa rin ? Nasaan ka na ba ? Ibig bang sabihin nito hindi kita makikita at makaksabay ?

Pinagmasdan ko ang langit, unti unti itong nababalutan ng kadiliman katulad ng lungkot na nararamdaman ko ngayon. Nagsimula ng pumatak ang ulan, kasabay ng pagpatak ng luha ko. Bakit nga ba ko umiiyak ? Samantalang hindi naman kita kilala at ganun ka din sakin.Ni hindi mo nga napapansin na nag-eexist ako sa mundong ito.Ni hindi ko nga alam kung saan ka nakatira, kung anong pangalan mo at lahat ng mga simpleng bagay tungkol sayo. Ang alam ko lang masaya ko sa tuwing nakaka salubong kita kahit na para sa iba ang ngiti mo.


Nagmamahal,
Mr. Stranger

Dec 5, 2010

Tandaan mo walang permanente sa mundong ito

0 mga kritiko
Lagi nilang sinasabi na walang permanente sa mundo….

Bukod sa madalas na dialogue sa Pelikula at Teleserye, laging pinapayo ng kaibigan at kakilala, minsan tinuturo sa iskul at bukambibig ni nanay pag feel niya magpa-almusal-tanghalian-hapunan-meryenda-midnight snack ng sermon at minsan mari-realize mo ito kapag dumating ka na sa puntong nahimasmasan na pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Kung mas pipiliin mong indi maniwala dito, wala ka namang choice. Bukod sa majority ang sang-ayon dito, tanggapin mo na kasi na totoo naman talagang walang permanente sa mundo. Pati nga mga bahay at building na akala mong habambuhay na sa kinatatayuan nito, dumaan lang si Ondoy na-wipe out lahat bigla diba ? Di ngayon, parang isang pang-hoy gising ito sa ating lahat.

Nung bata tayo akala natin ang mga ngipin natin parang halaman lang na pag nasira, tutubo ulit. Wala man lang early warning nung nabungi ka ulit. Yung tipong magsasabi sa’yo na parang konsensya na…
“ Patay tayo dyan, sinira mo pa. Late na nang sinabi sa’tin na isang beses lang ito magpapalit. Aanhin mo pa ang mamahaling toothpaste kung wala ka nang tu-tutbrasin ? Wala nga kasing permanente. Wala talaga.

Dati, ang pagkakaibigan n’yo ng kababata mo abot hanggang pagtanda.
Para bang kulang na lang sa lalim ng samahan ninyo eh ang pagtanda. Pero sino bang nakakaalam na kasabay sa pagtanda ninyo ang pagtigas ng kapwa n’yo ulo hanggang sa indi malamang kadahilanan, pati pala ito pwede ring mawala ?

Kung minsan, kahit gaano mo kamahal ang trabaho mo na halos ibigay mo na pati ang oras na para sa sarili at sa pamilya… sa isang iglap, kaya nitong balewalain lahat ang pinaghirapan mo dahil sa mas prioridad nito ang kapakanan ng kumpanya kesa sa’yo.

Dati, sabi nila hangga’t indi pa kasal pwede pa…may pag-asa pa para ma-check kung sino ang papakasalan. Pero ngayon, kasal na’t lahat – may mga anak – kahit pa me apo na…naaagaw at inaagaw pa rin. Ang kasal para na rin itong walang saysay At kung kelang may asawa na, saka pa parang nag-aalangankung sure na ba talaga sa napiling makasama habambuhay.

Indi lang pagkain ang may expiration date o kaya mga perishable goods ang nasisira. Pati mga snatcher at holdaper, walang pagpapahalaga kung gaano mo katagal pinag-ipunan ang pambili ng gadget na pinakaaasam-asam mo. Yung mga pagkain na tiniis mong indi kainin at ilang kilometrong nilalakad mo araw-araw para lang makatipid sa pamasahe para lang dekwatin nila ang mga ito ng ganun-ganun lang. Sana sa tuwing magtetex at tatawag sila gamit ang cellfon na pinaghirapan mo o di kaya eh habang naglalakad sila papuntang pawnshop para ibenta ito, maisip nila ang lahat ng tiniis mo.Haiist!

Ang lahat-lahat sa buhay natin ay may deadline na confidential ang petsa. Malalaman daw kasi ito sa tamang panahon at pagkakataon. Samantala, binigyan naman tayo ng mahahabang panahon para alamin sa ating sarili thru the course of life kung ano talaga ang purpose natin sa mundong ito. Siguro naman, sapat na ang 70-80 years (sana abutin ko ‘to hehe..) para makuha ang sagot sa mga tanong na akala natin ay wala talagang sagot.

Sa lahat ng niregalo satin ni Bro, ito lang yung kailangang isoli pero tingnan mo naman…buhay yung binigay niya pero okay lang sa Kanya kung wala nang buhay pag binawi na niya. Yung iba nga, binibigyan pa niya ng second chance para mag bagong buhay, meron ding inaabswelto, inilalagay sa lugar na maraming bantay at rehas na bakal kasama ng ibang naabswelto para matuto sa pagitan ng hirap ng buhay sa loob at yung ibang may taning na…pilit pa rin niyang dinudugtungan para magkaron pa ng pagkakataong makasama ang mga mahal sa buhay. Walang permanente sa mundo.

Kaya bakit indi natin gamitin ang pagkakataon na ito para ipakita at iparamdam sa lahat kung gaano ito kaganda. Indi nga ito perpekto. Puno nga ito ng pagbabago at paghihirap, indi buhay ang tawag dito kung wala nito. Pero sa bawat hirap, meron ding saya,selebrasyon at sakses. Dapat nating ipagpasalamat ang kung nasan man tayo ngayon kasi ito ang plano sa atin ni Bro Boss, ito ang misyon na inayon sa atin.


Everything in Life has Purpose. There are no Mistakes, No Coincidences, All events are Blessings Given to us to Learn from.”


Kaya kahit walang permanente sa mundo, ayus lang. We just have to make the most out of it. Bigyan natin ng pagkakataon ang sarili at ang ibang tao na ituwid ang pagkakamali.

Forgive but never Forget. Tapos smile na…

Followers