Jan 29, 2011

Makata

0 mga kritiko

Hindi na dapat pang pag-usapan
Kung dalubhasa man o katamtaman
Pagalingan, pasikatan, hindi na kailangan
Ang mahalaga ay hawak kamay, nagtutulungan.


Lumilipad, malalim na kamalayan
Talino't unawa , hanggang sa kawalan
Utak ay pinupuwersa, pinipiga
Makatas lamang makahabi ng tula.


Anila nagpapakahirap walang napapala
Hindi naghihintay ng anumang gantimpala
Ni obrahan, plake o bantayog ng istatwa
Kahit walang makuha, boluntaryong gumagawa.


Iba't ibang tema, malungkot man o masaya
Layunin lamang, makapagdulot ng ligaya
Bukal sa puso, pagod at hirap hindi alintana
Basta't marami lamang ang makakabasa.


Kung may pumupuri, maraming salamat
Puso ay lumulukso, hindi maawat
Kapag hawak na ang papel at panulat
Tila may agimat kung sumusulat.


Likas man o kaloob na talento
Ito ay handog buhat kay kristo
Hindi dapat ipagkait, isiwalat sa mga tao
Makapawi ng lumbay mapasaya kayo.


Pobreng manunulat sa mata ng karamihan
Beterano man o maging baguhan
Kaligayahan naming ang kayo'y handugan
Makatang tula, nawa'y inyong pagdamutan.

Jan 23, 2011

Pinay Scandal

4 mga kritiko
Sa panahon ngayon, halos buong mundo na ang gumagamit ng internet, halos dito sa internet natin makikita o mababalitaan ang ibat-ibang klase ng tinatawag na scandal. Kung pamilyang tao ka lalaki man o babae masasabi kong isang kasalanan sa diyos at sa iyong asawa ang iskandalong ginawa mo, pero kung dalaga or binata ka na nasuong sa tinatawag na iskandalo eto para sa iyo ang isusulat ko.



Ang aking ibabahagi sa inyo ngayon ay ang salitang scandal na naging maugong sa ating mga tenga mula pa noon hanggang sa ngayon. Alam ko, lalo na tayong mga pilipino pag nakarinig o nakakabasa tayo ng mga tinatawag na scandal ay labis tayong naalarma. Minsan masyadong interesado tayo pag nakakarinig tayo o nakakabasa ng mga ganitong kuwento o balita dahil minsan likas sa atin ang pagiging tsismoso at tsismosa ha ha ha pasensiya na sa salita ko pero... ganyan naman talaga tayo minsan di ba?

Kahit ako noon pag nakakarinig ako ng salitang scandal inaamin ko naalarma din ako at nagkakaroon ng interesado sa mga ganitong usapin. Basta scandal ang unang-unang pumapasok sa isipan ko sex agad, maaring ganon din kayo aminin man natin o hindi iisa ang iniisip natin. Ang poste kong ito ay pinamagatan kong pinay scandal hindi para ipakita o magpakita ng mga video o larawang hubad, ginawa ko ito para sa pagpapalawak narin ng ating isipan. Alam ko marami ang masasabi kong sasalungat dito sa aking mga isasalaysay dahil minsan magkakaiba tayo ng pananaw. Maaring hindi ninyo ako maiintindihan sa aking ipapaliwanag dahil minsan ang iba sa atin nakasarado ang isipan sa mga bagay na nakasanayan. Minsan ang iba sa atin masasabi kong hindi pinagagana o hindi pinalalawak ang kaisipan at pang-uunawa. Likas kasi sa tao ang mapanghusga at mapanglait sa kapwa.

Alam ko.. sa ating mga pilipino likas sa atin minsan ang pagpapahalaga sa tinatawag na kahihiyan. Pero kung ating iisipin, bakit mo iisipin ang kahihiyan? Bakit... sila ba nagpapakain sa iyo? Bakit sila ba bumubuhay sa iyo? Ano ba paki-alam nila sa buhay mo di ba? Dito sa mundo sa panahon ngayon kanya-kanya na ang buhay ngayon, kanya-kanya tayo ng diskarte sa buhay, kanya-kanya tayo ng isipan, kanya-kanya tayo ng paraan kung paano magiging masaya. Ang kahihiyan ay nasa tao nalang kung pahahalagahan mo ang kahihiyan.. ikaw ang maapektuhan, pero kung babalewalain mo at iisipin mo ano ba pakialam ninyo sa buhay ko. Pare-parehas lang tayong tao, kung magmalinis kayo gawin nyo huwag na ninyo akong asahan na makikitang katulad ninyo dahil magkakaiba tayo ng buhay, magkaiba tayo ng isipan.

Nakita ko at nalaman ko ang ibat iba nilang pananaw tungkol sa sex or tungkol sa mga tinatawag na scandal webcam scandal or kahit na anong scandal, na... sa ating mga pilipino masyadong bentahe. Tinanong ko ang bawat kaibigan ko tungkol sa nangyaring scandal ng halos iisa sila ng pananaw. Ang karamihan na sinagot sa akin ng mga kaibigan ko ''OK LANG LAHAT NAMAN TAYO NAG SE-SEX, LAHAT NAMAN TAYO PARE-PAREHAS SA KAMA, LAHAT TAYO PARE-PAREHAS NA BASTOS PAGDATING SA KAMA, LAHAT TAYO PARE-PAREHAS ANG KATAWAN", ''LAHAT TAYO MASAYA SA GINAGAWA NATIN, BINATA KA OR DALAGA KA ANONG MASAMA SA GINAWA MO?

Pinag isipan kong mabuti ang kanilang sinabi, pinag isipan kong mabuti ang kanilang mga reaction sa mga sinasabi at reaction sa kanilang mga mukha. Nabanaag ko sa mga binibitiwan nilang mga salita at pananaw na hindi masyadong bentahe sa kanila ang mga tinatawag na scandal bagamat masasabi kong naging interesado lang silang panoorin ang nasabing video dahil sa kilalang tao ang apektado sa nasabing scandal pero... hindi ko nabanaag sa kanilang mga mukha ang reaction na inuuri o inaalipusta na nila yung taong naiskandal. Hindi ko maihahalintulad sa ibang pilipino na kung makarinig o makapanood ng scandal ang dami mong maririnig na kesyo ''YAN BUTI NGA SA IYO'' kesyo... ''KUNG KUMILOS NAPAKAHINHIN''. Masyado lang tayong nagmamalinis, pero...makasalanan ka rin.

Sa mga tao lalo na sa mga kadalagahan na nakakagawa ng tinatawag na scandal panindigan ninyo ang inyong ginawa, huwag tayong magpadala sa kahihiyan o sa mga sasabihin ng tao, ginawa mo yan ng ayon sa iyong sarili, ayon sa iyong isipan at ayon sa iyong ikakaligaya at pagpapaligaya sa iba. Hindi kasalanan yang ginawa mo mas makasalanan ang mga taong mapang-api sa kapwa, mapang-alipusta, magnanakaw, pintasero at pintasera. Sa ginawa mong scandal wala kang inaping tao, wala kang inalipusta, wala kang sinaktang damdamin ng tao o nag paiyak ng kapwa. Gawin mo ang mga bagay na nagpapaligaya sa sarili mo. Ginawa mo yan ng ayon lang sa iyong kasiyahan, huwag mong kitilin ang buhay mo humarap ka ng nakataas ang noo.

Jan 14, 2011

Years After

0 mga kritiko
Nakausap kita, nangangamusta. Binalita mo na okay ka na. Nakamove on na.Kinalimutan mo na siya. Natatawa ka pa nga. Sinasabi mong mabuti at wala na kayo. Nalulungkot ka sa nangyayari sa kanya pero wala ka ng magagawa. Nagkanya-kanya na kayo at nagpapasalamat ka sa Diyos dahil ginising ka niya. Iyon ang sinabi mo.

Hindi ko alam kung bakit iba ang narinig ko. Hindi ko alam kung dapat kong paniwalaan ang pagkakaintindi ko. Na naaapektuhan ka sa nangyayari sa kanya. Na nais mong malaman kung ano na ang balita. Na wala kang magawa o sana may magagawa ka sa kinasasadlakan niya pero hindi na kayo at wala kang paraan para muling mainvolve. Hindi mo man sabihin, parang ang pagkakaintindi ko ay nais mong malaman ang contact number niya o kung paano siya makakausap. Tinapos natin ang pag-uusap na parang bitin, na parang nais mong malaman kung ano ang mga sinabi niya tungkol sa iyo o kung nabanggit ka man lang ba niya.Hindi ka bitter, hindi yun ang nais kong iparating. Gusto ko lang sabihin na minsan, hindi maitatago ng mga salita ang hinanakit ng loob. Matalim ang boses, malalim ang hinga, may tonong naghahanap pa rin ng sagot.

Hindi kinakailangang magpaliwanag at patunayan sa lahat na okay ka na. Malilimutan rin ng mga tao; ng mga kaibigan mo ang pinagdaanan mo. Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang problema, naging bahagi man tayo sa isa’t-isa, hindi kinakailangan ng paliwanag o kwento kung kumusta ka na. Kahit taon ang lumipas, kung sakaling nasasaktan ka pa rin o nalulungkot o nag-iisip kung bakit nangyari yun, ganun talaga. Hindi lang tayo rational being – emotional and social being rin tayo. Hindi ibig sabihin nun na hindi ka nakamove on. Minsan ang ibig sabihin nung ganung sakit sa kabila ng taon na lumipas ay – nagmahal ka ng tunay. Malalim at totoo. Dahil dun, hinahangaan kita.

Followers