Mar 28, 2011

Kaparusahan

0 mga kritiko
Meron tayong kasabihan na..Kung ang panginoon ay nagpapatawad, Tao pa kaya? Eto po ay sa sarili kong opinion na nais kong ibahagi sa inyo...Kung sa inyong paniniwala ay mali ako nasa inyo na po iyon. Lahat naman ay may kanya-kanya tayong paniniwala. Totoo ba na ang panginoon ay madaling magpatawad ? Para sa akin " OO ", Pero depende, Ang panginoon ay madaling magpatawad sa mga taong marunong humingi ng kanyang kapatawaran. Ang panginoon ba ay nagpapatawad or nagpaparusa sa mga taong nagkakasala sa kanya ? Ang tanong na ito ang madalas kong marinig na pinagtatalunan ng mga kababayan natin. Para sa aking opinion...



Ang Panginoon ay marunong ding magparusa sa atin. At ang bawat parusang ibinibigay sa atin ay kung gaano kalaki ang kasalanan mo sa kanya, ay ganon din kalaki ang parusang ibibigay niya sa inyo. Alam ko...aminin man natin sa hindi, kahit ikaw na mismong nagbabasa sa mga oras na ito, hindi mo alam kung ano ba ang mga parusang binibigay sa atin ng ating panginoon. Ano ba ang parusa ? Meron tayong kasabihan na lahat ng tao ay may kasalanan.Kaya nga ang lahat ng tao ay meron ding problema. Walang nilalang na walang kasalanan At wala ding nilalang na walang problema. Sa bawat kasalanan mo sa panginoon gaano man ito kaliit o gaano man ito kalaki. Ganon din kalaki o kaliit ang problemang kakaharapin mo.


Sa bawat kasalanang nagagawa mo sa panginoon ay may parusang kapalit yan ang tinatawag natin " PROBLEMA". Ibig kong sabihin na ang sinasabi kong parusang binibigay sa atin ng panginoon, yan ay ang mga problemang kinakaharap natin sa ating buhay. Ang panginoon ang nagbibigay sa atin ng problemang kinakaharap. Depende sa laki ng iyong kasalanan, ganon ding kalaking problema ang darating sa iyong buhay. May mga nagsasabi na...

Bakit si ganito, ang yaman pero ubod nman ng sama ng ugali. Ang nakikita lang po natin ay ang panlabas na kaanyuan ng taong iyon. Pero hindi mo alam kung gaano ba kalaki ang problema nila sa kanilang isipan, na hindi natin nakikita. At hindi rin natin alam kung gaano kalaki ang problemang naghihintay sa kanya pagdating ng takdang panahon, na tanging ang panginoon lang ang nakaka alam kung kaylan niya ibibigay ang parusa niya sa taong iyon. Tulad ng sabi ko nga... Kung isa siyang makasalanan... merot-merong parusang nakalaan sa kanya.

Yan ang darating na problema sa kanilang buhay. Merong nagsasabi...Bakit si ganito, naghihirap samantalang ang bait - bait naman. Minsan hindi natin nababasa ang kanilang isipan. Sa panlabas na kaanyuan nakikita nating mabait... Pero sa kanyang isipan alam mo ba kung gaano kasama or gaano kabuti ang kanyang ini-isip. Minsan sa isip palang may kasalanan na tayo na hindi mo nakikita sa ibang tao. Kung halimbawang tama ka na maaring mabait siya sa kilos at sa kanyang isip maaring wala siyang kinakaharap ng malaking problema sa kanyang buhay.

Para sa mga nagbabasa hindi ko sinasabing paniwalaan ninyo ang mga sinabi ko dito. Nasa inyo pong sarili kung ano ang tama sa inyong nakikita. Maaring ang mga sinabi ko dito ay makatulong ng konti sa mga nakakalimot sa ating panginoon. Hindi ako pari, Hindi rin ako palasimba, Pero relihoso akong tao. Obserbahan mo ang sarili mo...Gaano ba kalaki ang kasalanan mo At gaano ba kalaki ang problema mo ?

Mar 21, 2011

Inside of me

0 mga kritiko
KUNG BIBIGYAN KA NG PAGKAKATAONG MAMUHAY SA LOOB NG AKING ISIPAN...



MALALAMAN MO KUNG SINO ANG AKING INIISIP...


MAKIKITA MO KUNG ANO ANG AKING NAKIKITA...

MARARAMDAMAN MO KUNG ANO ANG AKING NARARAMDAMAN...

MAKIKITA MO... ANG AKING MUNDO,PUNONG PUNO NG LAYUNIN PARA SA IYO.

MAKIKITA MO... ANG KALIGAYAHANG IBINIGAY MO SA AKING BUHAY.

MAKIKITA MO... KUNG GAANO KA KAHALAGA SA AKIN.

MAKIKITA MO... KUNG BAKIT AKO NAGKAROON NG KAKAYAHANG NGUMITI TUMAWA ,AT MAGMAHAL...

MAKIKITA MO... KUNG ANONG PAGMAMAHAL ANG NARARAMDAMAN KO PARA SA'YO..

MAKIKITA MO... KUNG SINO ANG PINAKA-MAHALAGA SA BUHAY KO...AT

MAKIKITA MO...NA IKAW ANG LAHAT NG DAHILAN NG BAWAT NAISIN KONG GAWIN.

AT KUNG..WALA MAN AKONG KAKAYAHANG SABIHIN.. KUNG ANO ANG ISINISIGAW NG AKING ISIPAN..

ANG MAHALAGA...ANDITO KA..

Mar 18, 2011

Tell Me Why

2 mga kritiko
Minsan talaga dumarating sa Buhay ng isang Tao na kala mo ay susubsob ka na lang sa isang sulok dahil sa dami ng problema sa buhay, iisipin mo kung papano ka na naman gigising kinabukasan para simulan na naman ang isang araw. Minsan sa dami ng responsibilidad na nakapatong sa balikat mo iisipin mo rin na hanggang kelan ko ba kayang bibitbitin ito ? Kelangan lang talaga ng walang katapusang lakas ng loob, determinasyon, pasensya at higit sa lahat pananampalataya sa Kanya. Kung wala ako ng mga ito, dati na akong sumuko at siguro makita niyo na lang ako sa kalye na naglalakad na isang ulirat.



Di ako nagpapaka Emo ngayon, Blog note ko to at isusulat ko ang gusto kong isulat dahil minsan lang naman ako nagsusulat. Di ba ? Lolz.



These past weeks, months even, I feel like my shoulders are slouching..dahil sa Problema. Ang dami, di ko na maisa-isa. Not only about me, but the family as a whole. Bakit kase may mga lalaki at Babaeng kayang iwanan ang pamilya na sana kanilang pasan. I don’t blame anyone..just asking why ?

Dahil kahit papano, minsan gusto ko din ng sagot. Oo, may pagkukulang din ako but do I deserve these ? If yes, then thank you. Somehow, bata pa lang ako natuto na akong tumayo sa sarili kong mga Paa And thank you ulit dahil ikaw nag turo sa akin nito.

Thank you dahil maayos kong pinatakbo ang buhay ko Pero ang tagal pa eh, ang tagal tagal pa pakiramdam ko ang tagal pa bago ako tuluyang makapag pahinga. Pag nag-iisa ako, ini-imagine ko na pagtanda ko, magawa ko bang maupo na lang sa veranda ng bahay habang nagtsa-tsaa o nagkakape habang nakikinig ng soft music sa umaga at pagmamasdan ang mga halaman sa labas na bahay ? O baka naman kahit lolo pa ako eh eto pa rin at kumakayod para may makain man lang ako o may gamot ako na maiinom bukas.

Buhay nag-iisa, iniwang mag-isa. Ang hirap talaga.
Pero at least feeling ko cute pa rin ako, di ba ?

Meron ba kayong Guts na ganyan ? Hehehe..Lakasan lang ng loob yan !

Seriously, Lagi kong ini-isip na ang taong katulad ko ay may Pag-Asa kaya ?

Life must go on and keep your Head Up High !

Mar 3, 2011

Huling Araw

0 mga kritiko
Kung tatanungin ako ng Diyos kung gaano kita minahal, ang isasagot ko, Sampung beses na higit pa sa nararapat. Minahal kita hindi dahil pakiramdam ko lang tama, pero dahil ginusto ko yung naramdaman ko at walang kung ano pa man. Minsan mo na akong tinanong kung pinagsisisihan kong nakilala kita. Sinabi ko hindi. Ngayon na nga siguro ang araw na kinatatakutan ko. Dahil kapag tinanong mo ulit sa akin yan, alam kong oo na ang isasagot ko. Sa lahat kasi ng nangyari sa buhay ko, ikaw lang ang gusto kong burahin. Wala ng iba.



Alam kong tama na tong ginagawa ko ngayon. Tama ng nawala ka sa buhay ko. Dahil alam kong wala ng pag-asa yang sinasabi mong pagkakaibigan natin. Tanga lang ako na minsan kong inisip na yun ang pinanghahawakan ko pero hindi pala. Dahil pinili mo pa rin akong saktan kahit alam mong dapat naging isa kang kaibigan.



Nung mga panahong ikaw at ikaw lang ang kailangan ko, hindi man lang kita mahanap At kahit alam kong alam mo yon, pinili mong tiisin ako. Ngayon hindi na ko umaasang nandyan ka pa, dahil simula palang nang-iwan ka na.Itinapon ko na rin ang lahat ng kasinungalingang sinabi mo na ang masakit ay pinaniwalaan ko. Nang sinabi mong importante ako sa yo at hindi mo kayang wala ako, kagaguhan lang yon. Siguro napilitan ka lang sabihin yon, o di kaya, sinadya mo para paasahin ako.


Ngayon,lahat ng binitawan mong salita, wala ng halaga. Simple lang ang rason: dahil wala ka ring kwenta. Wala na rin akong pakialam kung nagustuhan mo man ako o hindi. Ang importante, nagbigay ako ng buong buo at ni minsan ay hindi humingi ng kahit anong kapalit. Kahit papano, naturuan mo akong maging matatag. Natuto na rin akong tumigil sa paghahabol at pag-iyak sa taong manhid na tulad mo.

Siguro nga nasira mo na ang lahat sa akin. Ang paninindigan ko, tapang at paniniwala ko, pati ang katauhan ko, pero kaya kong ibangon ang sarili ko at mabuhay ng wala ka. Ako pa rin to. Oras at araw lang ang nagbago. Ngayon na ang huling beses na sasabihin ko ito sa yo. Ngayon na ang huling pagkakataon na iisipin kita. Lahat ng bagay na dumaan, burado na. Pati buhay ko, bago na. Ngayon na ang huling oras na mamahalin kita. Ngayon na ang tamang oras para sa lahat, para malaman mo kung gaano mo ako sinaktan. Tapos na yon lahat ngayon. Ito na ang huling araw ng paghihirap…Tama na, tapos na.

Pero sa huling araw na ito, isa lang ang sigurado ako…Hindi ito ang huling araw.

Followers