Mar 28, 2011

Kaparusahan

Meron tayong kasabihan na..Kung ang panginoon ay nagpapatawad, Tao pa kaya? Eto po ay sa sarili kong opinion na nais kong ibahagi sa inyo...Kung sa inyong paniniwala ay mali ako nasa inyo na po iyon. Lahat naman ay may kanya-kanya tayong paniniwala. Totoo ba na ang panginoon ay madaling magpatawad ? Para sa akin " OO ", Pero depende, Ang panginoon ay madaling magpatawad sa mga taong marunong humingi ng kanyang kapatawaran. Ang panginoon ba ay nagpapatawad or nagpaparusa sa mga taong nagkakasala sa kanya ? Ang tanong na ito ang madalas kong marinig na pinagtatalunan ng mga kababayan natin. Para sa aking opinion...



Ang Panginoon ay marunong ding magparusa sa atin. At ang bawat parusang ibinibigay sa atin ay kung gaano kalaki ang kasalanan mo sa kanya, ay ganon din kalaki ang parusang ibibigay niya sa inyo. Alam ko...aminin man natin sa hindi, kahit ikaw na mismong nagbabasa sa mga oras na ito, hindi mo alam kung ano ba ang mga parusang binibigay sa atin ng ating panginoon. Ano ba ang parusa ? Meron tayong kasabihan na lahat ng tao ay may kasalanan.Kaya nga ang lahat ng tao ay meron ding problema. Walang nilalang na walang kasalanan At wala ding nilalang na walang problema. Sa bawat kasalanan mo sa panginoon gaano man ito kaliit o gaano man ito kalaki. Ganon din kalaki o kaliit ang problemang kakaharapin mo.


Sa bawat kasalanang nagagawa mo sa panginoon ay may parusang kapalit yan ang tinatawag natin " PROBLEMA". Ibig kong sabihin na ang sinasabi kong parusang binibigay sa atin ng panginoon, yan ay ang mga problemang kinakaharap natin sa ating buhay. Ang panginoon ang nagbibigay sa atin ng problemang kinakaharap. Depende sa laki ng iyong kasalanan, ganon ding kalaking problema ang darating sa iyong buhay. May mga nagsasabi na...

Bakit si ganito, ang yaman pero ubod nman ng sama ng ugali. Ang nakikita lang po natin ay ang panlabas na kaanyuan ng taong iyon. Pero hindi mo alam kung gaano ba kalaki ang problema nila sa kanilang isipan, na hindi natin nakikita. At hindi rin natin alam kung gaano kalaki ang problemang naghihintay sa kanya pagdating ng takdang panahon, na tanging ang panginoon lang ang nakaka alam kung kaylan niya ibibigay ang parusa niya sa taong iyon. Tulad ng sabi ko nga... Kung isa siyang makasalanan... merot-merong parusang nakalaan sa kanya.

Yan ang darating na problema sa kanilang buhay. Merong nagsasabi...Bakit si ganito, naghihirap samantalang ang bait - bait naman. Minsan hindi natin nababasa ang kanilang isipan. Sa panlabas na kaanyuan nakikita nating mabait... Pero sa kanyang isipan alam mo ba kung gaano kasama or gaano kabuti ang kanyang ini-isip. Minsan sa isip palang may kasalanan na tayo na hindi mo nakikita sa ibang tao. Kung halimbawang tama ka na maaring mabait siya sa kilos at sa kanyang isip maaring wala siyang kinakaharap ng malaking problema sa kanyang buhay.

Para sa mga nagbabasa hindi ko sinasabing paniwalaan ninyo ang mga sinabi ko dito. Nasa inyo pong sarili kung ano ang tama sa inyong nakikita. Maaring ang mga sinabi ko dito ay makatulong ng konti sa mga nakakalimot sa ating panginoon. Hindi ako pari, Hindi rin ako palasimba, Pero relihoso akong tao. Obserbahan mo ang sarili mo...Gaano ba kalaki ang kasalanan mo At gaano ba kalaki ang problema mo ?

0 mga kritiko:

Post a Comment

Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.

Followers