Minsan talaga dumarating sa Buhay ng isang Tao na kala mo ay susubsob ka na lang sa isang sulok dahil sa dami ng problema sa buhay, iisipin mo kung papano ka na naman gigising kinabukasan para simulan na naman ang isang araw. Minsan sa dami ng responsibilidad na nakapatong sa balikat mo iisipin mo rin na hanggang kelan ko ba kayang bibitbitin ito ? Kelangan lang talaga ng walang katapusang lakas ng loob, determinasyon, pasensya at higit sa lahat pananampalataya sa Kanya. Kung wala ako ng mga ito, dati na akong sumuko at siguro makita niyo na lang ako sa kalye na naglalakad na isang ulirat.
Di ako nagpapaka Emo ngayon, Blog note ko to at isusulat ko ang gusto kong isulat dahil minsan lang naman ako nagsusulat. Di ba ? Lolz.
These past weeks, months even, I feel like my shoulders are slouching..dahil sa Problema. Ang dami, di ko na maisa-isa. Not only about me, but the family as a whole. Bakit kase may mga lalaki at Babaeng kayang iwanan ang pamilya na sana kanilang pasan. I don’t blame anyone..just asking why ?
Dahil kahit papano, minsan gusto ko din ng sagot. Oo, may pagkukulang din ako but do I deserve these ? If yes, then thank you. Somehow, bata pa lang ako natuto na akong tumayo sa sarili kong mga Paa And thank you ulit dahil ikaw nag turo sa akin nito.
Thank you dahil maayos kong pinatakbo ang buhay ko Pero ang tagal pa eh, ang tagal tagal pa pakiramdam ko ang tagal pa bago ako tuluyang makapag pahinga. Pag nag-iisa ako, ini-imagine ko na pagtanda ko, magawa ko bang maupo na lang sa veranda ng bahay habang nagtsa-tsaa o nagkakape habang nakikinig ng soft music sa umaga at pagmamasdan ang mga halaman sa labas na bahay ? O baka naman kahit lolo pa ako eh eto pa rin at kumakayod para may makain man lang ako o may gamot ako na maiinom bukas.
Buhay nag-iisa, iniwang mag-isa. Ang hirap talaga.
Pero at least feeling ko cute pa rin ako, di ba ?
Meron ba kayong Guts na ganyan ? Hehehe..Lakasan lang ng loob yan !
Seriously, Lagi kong ini-isip na ang taong katulad ko ay may Pag-Asa kaya ?
Life must go on and keep your Head Up High !
2 mga kritiko:
oo naman lahat ng tao may pag-asa wag ka lang mawawalan ng faith na makakaahon ka sa kung ano ba yang kinakaharap mong problema.Isipin mo na lang may mas higit pang malaking problema keysa sa yo..higita pa...isipin mo na lang na mabuti pa ikaw nakakaya mo pa samantala yun iba bumigay na...diba un nasa mandaluyong sa mental hospital..hndi na nakaya ang mga kabiguan sa buhay.Bangon bro..kaya mo yan sabi nga ng boss ko lahat ng tao may kanya kanya pasanin sa buhay nasa atin lang kung paano natin dadalhin na makakagaan sa buhay natin...:)
salamat bro! ang ganda ng sinabi mo naliwanagan ako salamat :)
Post a Comment
Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.