Oct 6, 2011

Ngitngit ng kalikasan

Ang Panginoon nating Diyos ay lubhang dakila
Inaandukha niya ang lahat ng nilikha
Bago pa man ang tao ay kanyang ginawa
Pangangailangan nila ay kanya nang inihanda.

Nilalang niya ang mundo na ating tahanan
Mistulang paraiso sa ganda at karilagan
Puno ay malalabay sa gubat man o kabundukan
Isda ay sagana sa ilog at mga kargatan.

Bughaw na kalangitan kay gandang pagmasdan
Mga kulay ng bahag-hari ay nagbibigay ringal
Sa papawirin ang mga ibo'y nag-aawitan, nagliliparan
Mundo'y nagsilbing paraiso ng sangkatauhan.

Subalit tayong mga tao'y, ano ang ginawa?
Sa pinagkaloob sa atin ng Poong dakila
Sa nakaraang mga taon ay ating sinira
Ang obra maestra na kanyang nilikha.

Mga kabunduka'y kinalbo, mga puno ay pinutol
Nawalan ng pamigil sa baha at daluyong
Isda ay nililipol, karagatan ay nilalason
Dahil na rin sa mga taong kuhila at palalo.

Ang papawirin na dati ay lubos sa kariktan
Ngayon ay nagdidilim sa usok ng mga sasakyan
Pati na rin ang mga pabrikang itinayo ng dayuhan
Ay nakadaragdag pa sa pagsira ng kalikasan.

Tayo ay magmasid sa ating kapaligiran
Ito ay bunga ng inaasam na kaunlaran
O hindi naman kaya ng kawalan ng kakayahan
Na panatilihin at pangalagaan ang biyaya sa ating bayan.

Ano ang gantimpalang sa atin ay naghihintay
Kundi ang anihin ngitngit ng kalikasan
Lindol, bagyo, baha na kumikitil ng buhay
Dulot ng mga taong sa salapi ay gahaman.

Kaya tayong mga tao maglimi, mag-isip
Abutin ang makakaya nitong ating lirip
Kung ang pag-aabuso ay hindi natin mapigil
Tayo'y magwawakas, buhay ay makikitil.

5 mga kritiko:

_isheloveblog_ said...

wee..walang kupas..
nabuhay ulet c upod na lapis..^_^

eMPi said...

Ganda nito!

Vintot said...

salamat sa pag dalaw hehe sensya busy lang talaga kaya di ako gaano makapag update :D

Ka-Swak said...

hanep ang tula!
kaw na!

Vintot said...

salamat bro

Post a Comment

Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.

Followers