"Knowledge is power". Totoo, makapangyarihan ang kaalamanan... ang karunungan. Kaalamang natatamo sa pagbabasa natin ng mga aklat at mga karanasang ating pinagdaanan.
Katulad ng isang aklat,ang tao ay may tinataglay na karunungan - karunungang nagsisilbing susi upang makamit ang minimithing pangarap sa buhay. Ngunit ang karunungang ito ay magiging walang silbi kung ito'y gagamitin sa maling pamamaraan.
Ang aklat at ang tao ay may pagkakatulad. Ang aklat ay may tatlong bahagi - ang kanyang pabalat, nilalaman at talahulugan.
Katulad ng aklat, tayong mga tao ay ganito rin ang bahagi. May kanya-kanyang pabalat. Pabalat na sumasagisag sa ating panlabas na kaanyuan. Kaanyuang maganda, pangit, maputi, maitim, normal at may kapansanan.
Ngunit, hindi lamang sa ating pabalat nasusukat ang ating kabuluhan. Lagi nating alalahanin ang gintong kasabihan... "don't judge the book by its cover". Dahil ang sinumang nilalang ay may mahalagang papel na dapat gampanan.
Samantala, ang ating pabalat ay hindi gaanong mahalaga. Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang ating nilalaman - ang ating kalooban, ang ating niloloob.
Ang ating puso't isipan ang sumasagisag sa ating nilalaman, ang ating pagkatao. Kung ang ating nilalaman ay maganda't mabuti, matutuwa ang ating pangunahing mambabasa - si Bro Boss.
Ang lahat ng ating ginagawa sa bawat kabanata ng ating buhay ay makikita sa ating talahulugan. Ang talahulugang ito ang magsisilbing daan patungo sa Kanya at sa daigdig na walang hanggan - sa Paraiso.
Kung ang lahat ng ito'y isasaalang-alang ng bawat tao - ang daigdig ay maituturing na isa nang paraiso. Paraisong laging may saya... walang nang-aapi, walang naghihikahos at walang nagmamalupit. Ang lahat ay pantay-pantay.
Able
4 hours ago
6 mga kritiko:
wow ang ganda naman nito. tama na mas mahalaga ang laman ng kalooban kaysa sa panlabas. Ang tao maganda man o di gaanong kagandahan sa panlabas ay iiwanan ng mag minamahal nya kung hindi maganda ang kalooban nya. samantalang ang may mabuting kalooban, maraming magnanais na magmahal, maganda man sya o di gaanong kagandahan sa panlabas. :)
salamat sa magandang kumento miss mayen. :D buti na lang pangit ako kaya maganda mabuti kalooban ko. lmfao
maganda to pre, medyo ang nahirapan gilingin ng utak ko, pero maganda!
astig ka vintot..
tama ka at tama c mayen, d mahalaga ang panlabas n anyo, mas ok p dn ang my mabuteng kalooban at puso..ehehehe..pahumble epek ka pa ha..harhar ^__^
salamat sa pagdalaw ng magandang binibini sa hideout ko.haha yup tama ka, madami kasing tao ang pabalat bunga lang pero nasa loob ang kulo kaya dapat maging mapanuri tayo sa mga taong nakakasama natin kasi di din tayo sigurado kung ano ang gusto nila. Kung nawisikan lang ako ng kagwapuhan pinost ko na pic ko dito pero mabait naman ako,pagtulog nga lang. Lmao
Salamat sa
kumento idol akoni. Hehe
Post a Comment
Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.