Minsan may mga bagay na kahit anong gusto nating manatili sa
buhay natin, kahit anong panalangin, iyak ang gawin kung talagang hindi para
sayo wala kang magagawa. Maglumuhod ka man araw araw, magpakabuti para lang
maisakatuparan ang bagay na ninanais mo pero sa di inaasang pagkakataon di pa
rin pwede. Anong gagawin mo?
Bakit ba ang hirap tanggapin na kung ano pa yun pinaka gusto
mo hindi talaga pwedeng maging sayo. Yun isang bagay na pinanghahawakan mo
dahil yun lang ang pinaka magandang alala na nangyari sayo yun pa ang mawawala.
Iiyak ka sa isang tabi, kahit hindi mo isipin parang nangaasar na yun pa rin
palagi ang sumasagi sa isip mo. Pilit mong nilalabanan ang sarili mo na wag
magpatalo sa emosyon mo pero… parang isang sirang plaka na sumasagi sa isip mo
na wala na.. hindi na pwede.. tapos na.. bumitaw ka na.. Mahirap.. kahit parang
unggoy kang naka kapit sa sanga kung yun sangang kinakapitan mo nabali na.. ang
sabi nang iba, kung mabali man ang sanga itatali daw nya uli yun para lang
makakapit ka uli.. pero di ba pag nabali na ang sanga.. mamamatay na rin ito…
kahit pa itali mo sya..
Ano ba itong pinag sasabi ko? Bagong taon napaka senti ko.
Sa totoo lang ayaw ko naman mag paka senti eh, ang kaso lang hindi kasi mawala
sa isip ko kaya kilangan ko ilabas. Bago mag bagong taon para akong mawawalan
ng hininga kasi yun bagay na pinahahalagahan ko nagkaron na ng katapusan. Hindi
na pwede.. . Pinipilit kong magpakatatag pero bakit ang isip parang mas matalas
pa sa kutsilyo kung manakit? Minsan mas gugustuhin mo nalang matulog palagi
para yun sakit hindi mo maramdaman.. o much better sana hindi ka nalang
magising para tapos na ang paghihirap mo..
Pero kung ganon naman ang gagawin mo.. lalabas kang duwag..
ang hirap makipaglaban sa utak at puso.. para mabawasan ang sakit uminom ako ng
alak.. nilunod ko ng alak yun lalamunan ko.. tatlong araw sunod sunod.. pero
bakit pag nahimasmasan ka nandun pa din ang sakit.. kahit isang baldeng luha na
ang iniyak mo bakit andun pa din yun katotohanan na wala na.. Pero, nakapag
isip ako na.. ano nga ba talaga yun nag ti trigger ng sakit sa atin? Iyon bang
pagtanggap na talo na tayo wala na tayong magagawa dun.. yun ego ba.. o yun
pagtanggap ng katotohanan na lahat ng mga alala ay mababalewala na. Pero kung
ano pa man ang dahilan andun pa din ang sakit .. sakit na kelangan mo na nang
mag let go.. kahit mahirap kilangan kong maging matatag.. dahil kilangan kong
tanggapin na walang permanente sa mundong ito.. lahat kumukupas.. lahat
nagbabago.. at ang tangi ko nalang magagawa ay ang pagtanggap.. pag bitaw.. at
pagpaparaya.. hindi ba mas masarap yun pakiramdam na nagpapatawad ka.. yung kahit
masakit sa puso mo.. wala ka namang magagawa .. imbis na isumpa mo yun tao o
magalit ka.. hindi ba mas maganda kung magwish ka para sa tao ng mabuti.. dahil
minsan may pinagsamahan din kayo.. at lalo pa minahal mo sya.. mahirap
magparaya.. pero balang araw alam ko na may mga pintuan na magbubukas para sa
katulad ko..
Bago magtapos ang taon 2010, sinigurado ko na wag
maapektohan sa mga bagay na nangyayari sa akin.. sa pag ibig na hinawakan ko
nang mahigpit.. ayokong magpatalo sa emosyon ko.. suko na ako.. pero hindi ibig
sabihin na duwag ako.. ibig sabihin nito ay natuto akong tumanggap ng
pagkatalo.. ibig sabihin itong dumating na ito sa buhay ko ay isang challenge..
challenge sa buhay na kahit apak na apak na ang pagkatao mo.. natuto ka pa ding
ngumiti, lumaban.. maging matatag.. at.. maalala si Bosing.. napakasarap ng
pakiramdam yun walang wala kang lakas .. magsusumbong sa kanya.. walang kasing
sarap ng pakiramdam. Ayaw kong magtagal na nagdadalamhati.. oo magdalamhati ka
mga ilang araw.. pero kelangan mong bumangon sa pagkadapa.. at iyon ang
ginagawa ko ngayon.. babangon ako. . at magpapakatatag pa..May bukas pang
naghihintay sa akin..
I think that the only reason people hold onto memories so
tight is because memories are the only things that dont change; when everybody
else does. I’ve learned that things change, people change, and it doesn’t mean
you forget the past or try to cover it up. It simply means that you move on and
treasure the memories. Letting go doesn’t mean giving up… it means accepting that
some things weren’t meant to be.”
2 mga kritiko:
panalo tong post mo..
isang malaking CHECK. ^_^ hehe
hehe salamat :D
Post a Comment
Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.