Apr 6, 2011

Pangarap ka na lang ba?

Usapang Emotion ulit :) Paano kung may Minahal kang Tao pero hindi Pwede. sagot : Edi pigilan mo sarili mong mahalin sya…Paano kung di mo mapigilan yun sarili mo ? Dahil yun lang yun katanggap tanggap sa puso mong patay ang syang nagbibigay buhay..Bawat atensyon na binigbigay..bawat salitang MAHAL KITA. Ang kaso lang hindi pwede…



mahal nyo ang isat- isat pero hindi pwede. Kahit ang sarap sa pakiramdam nun sabihin sayong tandaan mo mahal kita.. Ang dali ng sagot..di wag ipilit kung hindi pwede..Pero minsan kahit anong pigil mo sa sarili mong wag mahulog dun sa balong iyon. kahit gaano ka pa kagaling umiwas. napakalaki na ng space para mahulog ka dun sa malaking balon na iyon. Kahit sa pagkakahulog mo doon ay may panganib na ikaw ay masugatan at maaring mapilayan.



Pipikit nalang at kung mahulog ay bahala na…Choice mo ba ??

Maging malungkot sa pag pipigil ng damdamin O sundin ang nararamdaman kahit mali ? Emosyon ang hirap labanan..Ano ba ang tama ? Maging malungkot habang buhay dahil sa pag sunod sa inaakala mong tama O maging masaya sa inaakala ng ibang mali pero sa pakiramdam mo at sa puso mo ay tama…

Promise pinigilan ko ito at iniwasan narin maramdaman..pero tulad ng isang bulag na di nakikita ang dinadaanan. Clueless ako na mahuhulog ako sa balong iyon..mag tatampisaw kung ano meron doon sa ilalim ng balong iyon. i eenjoy kung anong mang meron dun sa kinahulugan kong iyon. pero nakahanda din akong ma iahon ng isang mapag mahal na kamay at pag dumating yun mga kamay na iyon. Mag papaahon ako dun..

Mamasdan ko ang balong kinahulugan ko…tatanawin..dadamhin ko sa puso ko..na minsan sa buhay ko nahulog ako sa balong iyon..pero hindi naman pwedeng habang buhay ako nandon. hindi pwede. yun ang masakit na katotohanan.. walang pwedeng mabuhay sa balong malalim..

0 mga kritiko:

Post a Comment

Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.

Followers