Jul 8, 2011

Balatkayo

7 mga kritiko
Mapagkunwaring tauhan
Ang sayo'y kumakatawan
Na animo'y isang ahas,
Na mapangahas;

Paano mo nagagawang magtago
Sa likod ng iyong pagkatao
Pilit mong itinatago
Ang iyong pagbabago.

Pilit pinapaniwala ang mga tao
Sa mapagkunwaring pagkatao...
Payo ko lamang sayo bilang tao;
Bakit 'di ka magpakatotoo!

Jul 5, 2011

Wakas

3 mga kritiko
Sinimulan,
Sinundan,
At ngayon ko tatapusin 'to
Ngayon mo malalaman
Ang tunay na kapangyarihan ng tula
Na magmimistulang mahika,
Na para sa mga naniniwala
'Di na kailangan pa ng paliwanag,
At sa mga 'di naniniwala
Umalis ka sa harap ko at umpisahang maglayag
Ito na ang katapusan,
Katapusan ng katahimikan
ng isang ungas na makata
dahil bukas na ang kanyang isipan
na ibaon na ang karuwagan,
paliparin na ang kamangmangan
dahil ang katotohanan sa salitang wakas
ay umpisa ng paglalakbay ng makata
sa kawalan ng tula.

Jul 3, 2011

Kasunod

5 mga kritiko
Nagsimula na ang tulang walang wakas,
tulang walang linaw at walang bakas,
at dahil sa mayroong nauna,
nagkaroon ng kasunod,
ngayo'y di na muling luluhod,
di na hihiling sa tala't makikiusap
na ako'y itago mo sa mga ulap,
dahil ngayon, buo na ang pangarap
na maghanap ng mga salita at ikalat,
ikalat ang higanteng kaalamanan
na pupukaw sa damdamin ng sanlibutan
o kahit sa damdamin ng isang tao lamang,
ngayon maligaya na ang makata,
dahil may isang taong humanga
para sa kanyang nilkhang tula.

Jul 2, 2011

Simula

6 mga kritiko
Kung ang paggawa ng tula
ay pagiging makata,
kung ang pagiging malalim
ay siyang lulunod sa akin,
hayaan na lang,
hayaan ng umagos ang kaalamanan
hayaan mong dalhin kita
sa kawalan ng aking kaisipan
At tayo'y maglalakbay
Sa nilikha kong tula,
Ito na ang simula,
Simula ng tula,
tula na walang balangkas
tula na walang wakas.

Jul 1, 2011

All Hearts

2 mga kritiko
The hurt that I thought had left me
that I'd weft in the fabric of progress.

Is bleeding through un-tangled reeds
and binding old blood with new life.

That dissolves the crumpled sheets of guilt.
I've folded in the creases of my heart.

I'm happy as I tarry
in the last of my pain.

I feel full to the brim.
The night soaks through the film

of my understanding
allowing me too to shine.

It's a new life that scrapes
under every measure.

I ever set, and is stronger for it.
I spoke to the trees and thanked the stars tonight.

Why I thanked them. I don't know.

Why thank them?

Because they remind me I'm
as alive as anything that ever
lived.


Dedicated to Erika

Followers