Nagsimula na ang tulang walang wakas,
tulang walang linaw at walang bakas,
at dahil sa mayroong nauna,
nagkaroon ng kasunod,
ngayo'y di na muling luluhod,
di na hihiling sa tala't makikiusap
na ako'y itago mo sa mga ulap,
dahil ngayon, buo na ang pangarap
na maghanap ng mga salita at ikalat,
ikalat ang higanteng kaalamanan
na pupukaw sa damdamin ng sanlibutan
o kahit sa damdamin ng isang tao lamang,
ngayon maligaya na ang makata,
dahil may isang taong humanga
para sa kanyang nilkhang tula.
5 mga kritiko:
gandang tula again and again..
galing mong magsulat ng tula.. nice one.. walang kupas... nagandahan talaga ako dito.. dahil mayroong nauna eh nagkaroon ng kasunod.. wow... galing...
galing. :)
lab lab... ur tula...haitz.... ang talentado mo naman..(inggit) hahahahahaha....
@mommy-razz salamat mamita :D
@musingan salamat bro. May kasunod pa yan draft pa lang.hehe
@mayen salamat :D
@shyvixen salamat kaya mo din yan :D
Post a Comment
Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.