Jul 8, 2011

Balatkayo

Mapagkunwaring tauhan
Ang sayo'y kumakatawan
Na animo'y isang ahas,
Na mapangahas;

Paano mo nagagawang magtago
Sa likod ng iyong pagkatao
Pilit mong itinatago
Ang iyong pagbabago.

Pilit pinapaniwala ang mga tao
Sa mapagkunwaring pagkatao...
Payo ko lamang sayo bilang tao;
Bakit 'di ka magpakatotoo!

7 mga kritiko:

shyvixen said...

ang galing!.... gusto ko to....ang ganda... animo ikaw ay may ibig patamaan sa iyong tula. keep it up.. two thumbs up!

mayen said...

hay ang dami ganyan sa mundo.. ang galing ng pagkakasulat. thumbs up ulit. :)

bbtoo said...

ay naku di ma bibilang ang mga ganyan dito sa world. Super duper like ko ang sinulat mo

Ka-Swak said...

nako, yang nagbabalatkayo mag audition sa PBB hehehe

Whang said...

sa mundo ganun talaga... maraming mapagkunwari ^0^

Rocky Batumbakal said...

madaling maging tao, mahirap magpakatao.

Arvin U. de la Peña said...

kahit sino ay nangyayari ang ganun....minsan nagkukuwari talaga..

Post a Comment

Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.

Followers