Taong 5566, Ang mundo ay naging black planet. Nagkalat ang basura, ang dating malinis na hangin naging lason, ang mga dating kagubatan ay nasakluban na ng mga pabrika,ang mga hayop at halaman ay naging hologram na lamang, ang mga tao ay naging patay na buhay mga kalahating tao at robot sila ang mga hindi mapalad na makaligtas sa takbo ng modernisasyon. Pinatatakbo na lamang sila ng artipisyal na pag iisip. Na pinamumunuan ni Malanding Becky, pinakamalupit, pinakamasama, pinakamalandi at pinakapangit na baklita. Dahil sa mga sa mga pansarili nyang interes tuluyan ng nasira ang mundo at pagkakalat ng mga kalahi nito.
"papatayin ko sa sarap lahat ng sumaway sa mga utos ko" galit na sabi ng malanding baklita. Ang pederasyong hukbo ni Becky ay agad sumaludo sa kanya. "Chuva! Chuva! Chuva! Chuva!"
Biglang dumating si Praybeyt Benjamin. Ang kanang kamay ni Malanding Becky. Sa tuwing dumadating ito ay palaging may masamang balita "Namatay lahat ng Bekimon natin sa pakikipaglaban sa hukbo ng mga SYMBIANIZE"
Ang SYMBIANIZE ang grupo na lumalaban sa mga Bekimon na ang tanging layunin ay maibalik sa dating anyo ng mundo. Pinamumunuan ni Capt. Vagalance na apo ni Capt. Sparrow at ang mga kanyang tauhan ay sila iBee ang bubuyog na gala, Lupin ang dakilang scout ranger dahil sa natatangi nyang talento sa pagtagbo, acunanan ang bugaw, at syempre si PadrePio ang pareng mahilig sa misyonaryo.
Galit na galit si Becky sa kanyang nabalitaan, agad niyang tinawag ang buong pederasyon hinanda ang hukbo. May hawak na blower at suklay yung iba, yung iba naman may hawak na brush at makeup kit. Nagulat lahat ng sanbadingan dahil dinala ni Malanding Becky ang kanyang korona ito ang pinakamalakas na sandata ng mga Bekimon.
Samantala sa hukbo nila Capt. Vagalance naghahanda na sila sa matinding gera na mangyayari. Si acunanan tinawag nya na lahat ng tauhan niya imbes na babae ang gamitin niya mga tiborsyo ang pinatawag nya. Si Lupin naman ay nagmamasid sa lugar ng Bekimon. Agad siyang tumakbo na parang natatae dahil nahuli siya ng mga Bading na nageespiya, kapag naabutan siya ng mga ito tiyak uubusin ang kanyang lakas nya.
Dumating na ang takdang panahon. Agad nagkita ang dalawang hukbo, mabilis na nakita ni Capt. Vagalance si Becky "Tapusin na natin ito, Marami ng nasira, marami ng nadamay at marami pangmamamatay. Kahit madami kayo di kami uurong sa laban!" seryosong sabi ni Capt. "Har! Har! Har! Har! Wag na kayo umasa dahil papatayin namin kayo sa shokot at hindi ninyo kami mauubos! Chochorvahin namin kayo! Har! Har! Har!" pangasar na sagot ni Becky. Wala ng sinayang na oras si vagalance agad niyang sinugod si Becky. Sinuntok , tinadjakan, sinakal, hinambalos , tinuhod ni isa hindi tumama si vagalance. Samantala si acunanan naman tinawag nya na lahat ng binugaw nyang tibo. Nagsalubungan ang mga Bekimon at mga Tiborsyo imbes na manalo ang mga tibo natalo sila dahil kinulot at minakeupan sila. Nauubusan na ng pagasa ang mga SYMBIANIZER. nagulat sila ng may tinaas na bagay si Becky , lumiwanag ang buong paligid at may sinasabi na orasyon ang mga Bekimon "chuverlu eklavu bekibekimon chuva chuva chuva!" naririndi at nanghihina ang grupo nila Vagalance tila nawawalan na sila ng pagasa. Nagkindatan ang grupo na ibig sabihin gagamitin na nila ang secret weapon. Dahang dahang tinatangal ng mga Symbianizer ang kanilang damit. Nawala sa pokus ang mga sanbadingan nanghina sila sa kanilang nakita. Si iBee ang bubuyog na gala agad niya ginamit ang kanyang malakas na pagaspas ng pakpak ng matabunan ng lupa ang mga Bekimon. Si PadrePio binasbasan nya ang lupa na binagbaunan ng mga Bekimon para di na makalabas ang kampon ng kabadingan.
Nagdiwang sa pagkapanalo ang mga Symbianizer. Nagulat sila na may tumubong mga halaman at mga bulaklak sa lugar ng binagbaunan ng mga Bekimon. Tinawag nila itong Baclaran.
History became legend, legend became myth
Pagdating ng Brazillion years bilang pag-alala sa ginawa ng mga Symbianizer. Gumawa ang ka apo apohan ni Vagalance na si Marquess ng Forum na pinangalanang Symbianize.
Nov 3, 2011
Alamat ng Symbianize
Obra ni Vintot at 9:30 PM Labels: alamat, kalokohan, Literati, Stories/Essays, symbianize
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 mga kritiko:
ehe.. naaaliw ako dito kuya... ang galing.. :D tawa ako ng tawa..
Salamat sa pagbabasa miss shy :D
Hahaha...katawa naman nito. Natisod ko lang page na 'to sa Google ng mag-search ako symbianize christmas remix. Hehe...
Post a Comment
Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.