Matagal na ring di ka nabuksan,
Kaya naman ika'y aking pinanabikan.
Mga alikabok, katawan mo'y nakumutan,
Marungis na pati ang iyong lalagyan.
Nanginginig pang iniangat ko ang hawakan.
Napabahing sa hininga ng iyong katandaan.
Di maunawaan ang damang naramdaman,
Habang tinatanaw sa usok ang iyong mga laman.
At ako'y napangiti sa aking nasaksihan.
Binuro ng panahon ang mga kagamitan,
Hinalukay, kinalkal, isa-isang tiningnan,
Mga bagay na halos di na mapagkakilanlan.
Subalit ka'y dami ng alam ko pa
Na agad natandaan ang aking alaala.
Sila na naging saksi sa nararamdaman kong saya,
Nakapiling ko noon, noong ako'y nag-iisa.
Bawat balingin ko'y may kani-kaniyang kuwento,
Na ibinubulong agad lahat sa aking pagkatao.
Ano nga ba ang hiwagang 'to?
Wala! Ang hiwaga'y nasa isip ko.
Isang damukal ang mga lumipas,
Na humulma ngayon sa aking nakalipas.
Mga alaalang tunay na lumakas.
Nasumpungan ko muli sa baul ng lumipas.
Just
16 hours ago
4 mga kritiko:
minsan, masarap talaga magbalik-tanaw sa mga magagandang alaala mo.
naalala ko un mga nkatago kung gamit... ang galing ng pagkakakatagni ng mga salita mo pre
salamat sa pagbisita mga kaibigan. :D
reminiscing happy memories...
Post a Comment
Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.