Jun 14, 2013

Kapayapaan ang kasagutan

Hindi ko kailangan ng iyong digmaan
Hindi ko nais ang baluktot mong katwiran
Kapag sinunod ko ang sangkatauhan
Lalaganap sa tuwina ang hidwaan.


Sa tuwina ako`y iyong tau-tauhan
Ginagawa ang lahat ng iyong kagustuhan
Ngunit dala ng panahon ako ay nag-iba
Marunong nang lumaba`t di mo na maaangkin pa.


Sa tuwina ako`y ginagambala
Ginagawang mali ang alam kong tama
Kaya ngayon ika`y iiwasan
Hakbang kong gagawi`y dikta ng aking isipan.

Karahasan, kaguluhan, kasamaan
Likha ka ng taong may maruming kalooban
Hindi ang tulad mo ang siyang kasagutan
Kundi ang pagpapalaganap ng  kapayapaan.

4 mga kritiko:

Mac Callister said...

honglalim nito ha hihi world peace naaaaaa

fiel-kun said...

Peace be with you po! Ganda ng tula!

jonathan said...

Napapanahon ang mensahe sa mga tulad kong napapaligiran ng mga taong negatibo at mapanlinlang.

Joy said...

very nice thumbs up!

Post a Comment

Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.

Followers