Jun 9, 2013

Walang mang-aalipin

Oo, ako`y Pilipino...
na pilit sinasakop ng iba`t ibang dayuhan
ngunit kahit anong lakas ng kanilang kapangyarihan
nangingibabaw pa rin ang diwang makabayan.


Oo, ako`y Pilipino...
nilalason ang aking isipan ng ibang bayan
at isinisiksik ang kulturang dayuhan
subalit likas akong mapagmahal sa sariling yaman.


Oo, ako`y Pilipino...
na biktima ng pang-aapi at panggagahaman
 ngunit lahat ng ito`y kaya kong labanan
lalo na kung ang nakataya ay ang karangalan.


Oo, ako`y Pilipino...
na sa mga bagay na nagaganap sa aking kapaligiran
laging bukas ang aking puso`t isapan
at hindi magpapaalipin magpakailanman.

7 mga kritiko:

Jei Crochet said...

Salamat sa pagbabahagi iyong tula ;)

fiel-kun said...

Very patriotic naman nito :)

Ganyan ang lahing Pilipino, di paa-api!

Joni Kiki said...

Wow, nice:)

Vintot said...

salamat sa pagbisita. :D

Genskie said...

isang kaisipang dapat lagi nating tandaan :)

Blindpen said...

mga ganyan ang namiss ko mula sayo kuya vintot ^__^

Vintot said...

salamat sa mga kaibigan sa pagbasa. :)

Post a Comment

Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.

Followers