May 14, 2011

Badtrip

Hindi ko na alam kung ilang tao na ang aking nakasagutan, nakaaway at nakasamaan ng loob, hindi ko na matandaan kung ilan na sila at kung sino ang huli kong nakasagupa, pero isa lang ang masasabi ko, nagpapaliwanag lang ako, walang personalan.


Ako kasi ang klase ng taong na kung hindi ako sang-ayon ay sinasabi ko talaga ang nasa loob ko, hindi porke naiintindihan mo ang isang bagay ay tama na agad at maykatotohanan na ito, wala akong pinapatamaan, nais ko lang ay may maisulat, nagkataon lang na ito ang paksang nagustuhan kong isulat, bahala na kayo magisip pagkatapos niyo magbasa, bahala na kayo kung tatangapin niyo ang paliwanag ko, pero alam ko, sasang-ayon kayo kapag sinabi kong hindi lahat ng sinasabi ko ay tama at alam ko ring sasang-ayon kayo kapag sinabi kong hindi lahat ng tao ay sasang-ayon sa lahat ng sasabihin mo.

May mga bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag, may mga bagay na mahirap maunawaan, pero hindi ito nangangahulugang mali na ito, may mga bagay na sadyang parang tama, pero ang totoo mali ito, may mga bagay na parang mali, pero ang totoo tama ito. Hindi ako matalino, hindi rin bobo, may alam ka na hindi ko alam, may kaya kang gawin na hindi ko kayang gawin, pero tulad mo may alam rin ako na hindi mo rin alam at may kaya rin akong gawin na hindi mo rin kayang gawin, kaya patas lang tayo.

Hindi kita kinokontra at hindi ko rin hiningi sa iyo na tangapin mo ang baluktot kong prinsipyo, kaya huwag kang mainis kapag sinabi kong hindi ako naniniwala sa iyong sinabi, dahil hindi nga lahat ng sasabihin mo ay sasang-ayon ang lahat ng tao? Akala mo lang tama ka, pero ang totoo mali ka at katulad mo akala ko lang din tama ako pero mali rin pala ako.

Matuto sana tayong tangapin na nagkakamali rin tayo ng pagkakaunawa sa isang bagay.

“Remember you’re entitled to your own opinion”

7 mga kritiko:

eax said...

tama..

Mark said...

Nice!

_a_n_o_n_y_m_o_u_s_ said...

hehehe..
anggaling aah..natuwa naman ako sa post mo na ito..apir.^_^
hindi kasi lahat ng tao malawak ang pagiisip, meron ding mga hindi marunong tumanggap ng kritisismo.hehe..tama ba?

Vin said...

^ heheh salamat po. yup tama ka nakakainis kasi yung mga taong nag mamarunong, kaya nga may kasabihan tayo na masarap mag panggap na bobo sa harapan ng taong nagpapangap na matalino :))

_a_n_o_n_y_m_o_u_s_ said...

toomoooo..hehehe..^_^

Raffy said...

cool ka lang brod Vin, magaling na tao ka, tandaan mo yan hehehe

Vin said...

cool lang ako nag papaliwanag lang kaya ako jan haha salamat sa pag dalaw :)

Post a Comment

Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.

Followers