May 10, 2011

Hay Buhay

Habang ako ay nagiisa dito sa kuwarto at kasalukuyang nakikinig ng mp3 sa walkman ko, ang layo nanaman ang nararating ng aking isipan madalas ito ang ginagawa ko kaysa lumabas ng bahay habang ako'y nangangarap, sinasariwa ko ang mga ala-alang ginagawa ko noon at mga bagay na gusto kopang Gawin. May mga bagay na gusto kong gawin ngunit parang ang hirap na gawin, parang pinanghihinaan na ako ng loob, parang ang hirap gawin.Kung kaylan ako nag ka idad ng ganito Kung kaylan mas malawak ang isipan ko dito pa ako parang susuko. Samantalang ang isang musmos na bata na nag aaral pa lamang na tumayo, wala pa sa tamang pag iisip nandon ang determinasyon niyang matutong tumayo kahit bumagsak tatayo at tatayo parin kahit nag iisa. kahit masaktan sa kanyang pagkakabagsak hindi sumusuko hangat hindi natututong tumayo. Kahit wala ka sa kanyang tabi hindi siya naghihintay kung kaylan mo siya Gagabayan. Sa bawat pag bagsak masaktan man ng bahagya umiyak man ngunit hindi sumusuko.Mapagtagumpayan man niyang tumayo, magsisimula naman siyang humakbang upang lumakad para sa panibagong hamon ng buhay.


Ang buhay ng isang musmos na bata ay Punong-puno ng Pagsubok. Ano mang hirap,ano mang sakit ng pagkakadapa tanging iyak lang ang sandata upang mailabas ang sakit na naramdaman sa kanyang pagkakadapa.



They Never Waited Too Long To Give it Another Shot.



Kung ating iisipin, hindi mo mabibilang kung ilang beses siya bumagsak, kung ilang beses madapa. Pero Hindi sumusuko.Ikaw pa kaya na nasa wastong pag iisip ang madaling sumuko ? Tulad natin kahit madapa tayo sa unang pagsubok huwag tayo mawalan ng pag-asa Lahat tayo kahit maka ilang ulit tayong madapa pilitin nating tumayong muli upang harapin kahit anong dami ng pag subok. Kahit makailang beses tayo bumagsak. ! If you can learn to walk there are many other things that can be achieved in Life.! Ang isipin natin !



KATULAD DIN ITO NUONG TAYOY NATUTUTONG LUMAKAD.

WALANG KALIGAYAHANG MAKAKAMIT SA PAGKAKADAPA, ANG KALIGAYAHAN AY NASA MULING PAGTAYO SA BAWAT PATAK NG LUHA MAY NGITING KATUMBAS.!

1 mga kritiko:

Anonymous said...

mmm aiwa! ang kaligayahan ay nasa muling pagtayo...tama dun nga sa process ng muling pagbangon at muling pagsubok na matuto ulit andun yun happiness...enjoy lang natin yun experience...parte yan ng buhay di ba masarap kung me challenge... npakahirap nga at minsan parang di na kaya pero pag nalagpasan na natin, priceless ang lesson na kapalit along with the happiness! God bless...

Post a Comment

Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.

Followers