May 25, 2011

Landas

Taon-taon may desisyon akong ginagawa para baguhin ang sa tingin kong di ko na kayang ipagpatuloy na paglalakbay. hindi ako humihinto. Pinapahinga ko lang ang pagal kong katawan. Minsan may pagkakataong kelangan iwanan ang mga bagay at pangyayari para gumawa ng sariling landas na matatawag mong sa iyo. Walang imposible, oo wala nga, pero madaming pagkakataong aakalain mong imposible ang mga pinagdadaanan mo. Takot kang mag-isa pero iyon ang nararanasan mo. Wala kang magawa kundi tanggapin ito, mahirap man pero nalalampasan. Mabigat man pero nakayang dalhin at pasanin ng walang tulong na hinihingi ńinuman.


Gusto mong sumigaw na ayoko na ! pero dapat ba ? lahat tayo naranasan ang mag-isa. May mga taong isang tawag lang kaya ng ibigay ang hinihingi mo, kayang ibigay ang buong oras na kelangan mo..pero bakit mo ginustong wag tawagin ang pangalan nila ?

Dahil takot kang makita ang kahinaan na meron ka. pero alam mo ang maganda ? iyon pagkakataon nalampasan mo ang sa tingin mong hindi mo kaya,,masasanay ka rin. Dahan-Dahang maging gamay ang mundong iyong pinagdesisyonang tirhan.


Wala akong responsibilidad sa ibang tao, tanging responsibilidad ko ang sarili ko. ang Pagbibigay ng respeto at pagmamahal sa Pamilya at mga kaibigan ay kusang ibinigay, walang pagpipilit at hindi kelanman itinuring na malaking kargo ng isang pagiging ako.

Madaling magbigay kung itoý parte na ng pagiging ikaw. walang hinihingin kapalit, walang hinihintay na magbibigay ng mga hinahanap mo.

Pero sa pag-hahanap ng landas na hanggang ngayon ay kasing labo pa ng alkitran, may mga taong kelangan mong palampasin, kelangan iwanan, at umaasang mababalikan pa. Gusto kung itanong kung ang parte ko ba sa buhay nila ay isang manlalakbay lang na pwedeng makabalik at pwede ring hindi na kaylanman man ? pero ayoko,,mas gusto kung isiping kaya ko pang balikan ang mga pahinang lumipas na hindi gamit ang memorya kundi mismong makita at makasama ang mga naging kaibigan at kakilala.

Mahirap mamaalam, pero kelangan, mahirap mag-Panggap na okey lang kahit hindi. at mahirap mag-iwan ng ngiti kung mismong ikaw ay may agam-agam na sa pag-alis ikaw ay magiging malabong manlalakbay sa Buhay ng iba.

Mga Landas man ay Magkaiba, Umaasa ako sa muling Pagkikita.

5 mga kritiko:

Jag said...

Sad but true...

Tom23 said...

nakaaantig ng puso ang artikulo mo brod Vin

Vintot said...

salamat sa pag dalaw bro.

Unknown said...

Kuhang-kuha kita kaibigan! Ganito na yata talaga umiinog ang buhay. Nakakalungkot isipin na may mga tao talaga tayong maiiwan, gustuhin man natin o hindi, na walang garantiyang mababalikan pa. At minsan dumadating ang panahon na tatanungin mo ang sarili mo kung may katumbas ba talagang halaga ang desisyong mong umusad sa landas na akala mo gusto mo (na kadalasan, sa kaso ko, ay para namang nawawala ako... hehe). Minsan may pagsisisi na sana'y pinili mo na lang maging sigurado... sa piling ng mga taong tunay na nagbibigay halaga sa buhay mo. Pero sabi mo nga, sanayan lang yan... pero minsan... ayoko nang masanay. :(

Vintot said...

@karlie tama ka sa mga sinabi mo kaibigan may kasabihan nga tayo na no matter how hard and painful it is it's time to move on

Post a Comment

Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.

Followers