Jul 5, 2011

Wakas

Sinimulan,
Sinundan,
At ngayon ko tatapusin 'to
Ngayon mo malalaman
Ang tunay na kapangyarihan ng tula
Na magmimistulang mahika,
Na para sa mga naniniwala
'Di na kailangan pa ng paliwanag,
At sa mga 'di naniniwala
Umalis ka sa harap ko at umpisahang maglayag
Ito na ang katapusan,
Katapusan ng katahimikan
ng isang ungas na makata
dahil bukas na ang kanyang isipan
na ibaon na ang karuwagan,
paliparin na ang kamangmangan
dahil ang katotohanan sa salitang wakas
ay umpisa ng paglalakbay ng makata
sa kawalan ng tula.

3 mga kritiko:

shyvixen said...

kuya.... ang ganda ng iyong tula. Walang salita ang lumabas sa aking bibig. Tanging mga mata ko lang ang namangha sa aking nabasa. Lab ur poem.... galing-galing mo.... ^-^

Madz said...

napadaan po dito... ang galing ng tula.. clap clap!

Vintot said...

@shyvixen salamat sa puna :D

@hArTLeSsChiq salamat sa pag dalaw sa selda ko :D

Post a Comment

Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.

Followers