Dec 19, 2011

Sa Ating Paghakbang

Huwag kang maglakad sa unahan ko
At baka hindi ako makasunod sa iyo
Dahil maaaring ang mata ko ay mapako
Sa hiyas na ang kinang ay isa lang balatkayo


Huwag kang maglakad sa likuran ko
At baka hindi ko kaya ang pamumuno
Maaaring sa una kong pagkakamali
Maputol ang ugnayang sa ati'y nagtatali


Kung maaari'y magtabi tayo sa paglalakad
Na sa magkaibiga'y talagang ito ang hangad
Ibig kong sabay nating abutin ang pinapangarap
Nakakubli man ito sa likod ng ulap


Sa pagsabay ng lakad ko sa iyong hakbang
Lalo namang lumalago ang ating pagkakaibigan
Iba't ibang unos man ang sa buhay ay dumaan
Dahil magkasama tayo tiyak itong malalagpasan

9 mga kritiko:

Akoni said...

Nice...hawak kamay tayo!

Anonymous said...

tama! dapat sabay para walang mauuna at walang iwanan..:)

Arvin U. de la Peña said...

maganda ang pagkakasulat mo....thats what friends are for.....

Yen said...

Ay bongga! sabay tayo maglkad kung maari. :)
nice!

Vintot said...

salamat sa pagbasa mga kablogs. :D

Pordoy Palaboy said...

nice tugma ang tema ng tula mo sa trahedya sa Mindanao. dapat tayo magtulong-tulong. Lahat malalagpasan if we act as 1

Spiky said...

hi there.

pwede request ng exchangelinks? http://ohbite.blogspot.com

McRICH said...

parang kanta lang, if we hold on together, swak na swak, merry christmas vintot!

Jewel Delgado said...

Awww... :( ang ganda :) Merry Christmas! :) and Happy New Year :)

Jewel Clicks

Post a Comment

Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.

Followers