Sep 20, 2013

Umaga

0 mga kritiko
May luha ang araw sa kanyang paglubog;
ang buong paligid ay pinagliliyab sa gilid sa gulod
pati mga ulap ay namimighati habang sumusunod
maging mga bituin ay umiindak din sa ponebreng tugtog!

Kundungan nga kasi nang araw na iyon;
ang sandaigdigan ay muling dinilig ng dagat ng apoy
sa gitna ng luha at mga tangisa`y dugong dumadaloy
ang palad ng tao ay muling naghugas sa itim na balon!

Sa mga sakuna`y bantad na ang tao;
lupit ng dugmaan, mga kakapusan ay sakit sa ulo
dagdag pa ang lindol, pagsabog ng bulkan at sumpa ng bagyo
kulang na lamang na ang Armageddon ang siyang matamo.

Sa likod ng lahat ay may isang lupon;
laging tumutugon sa mga hinaing ng kaniyang mga kampon
ang tanging layuni`y ihasik sa mundo ang lahat ng tulong
gabayan ang bansa na naghihikahos upang makabangon.

Nagkaisang Bansa`y ina ng daigdig;
nagpapakasakit upang kanyang supling ay laging matindig
na ang bawat isa ay maging sagana sa kanyang pag-ibig
sa tuwina`y nasang lahat sa kanila ay puno ng bibig.

Ang kanyang layunin ay tunay at wagas;
mga suliranin ay kanyang dalangin na agad magwakas
ang kaniyang tulong ay palaging handa kung may kalamidad
at ang kamay niya sa mga hirap, laging nakabukas.

Kalamidad, Gyera, Krisis ay walang panama;
sa buong daigdig ay nasugpo na nga ng Nagkaisang-Bansa
ningning ng umaga`y ating mararating nang walang pagsala
ito`y inihain na para sa atin ng Nagkaisang-Bansa.

Sep 18, 2013

Symbianize may Official Facebook at Twitter na!!

0 mga kritiko
Aba! Ano pang hinihintay ninyo sali na!


Symbianize Facebook

Symbianize Twitter

Symbianize Forum

like mo! share mo! tweet mo! :D


Sep 13, 2013

write, write WRITE!

1 mga kritiko
Go with the flow, let all emotions show, write until your heart rips out, then write about that very fate. Tell every story a million times from a different point of view, say I hate this but I love you, twist it around, that's what to do. A million words with infinite ways to say them. A million bodies with infinite ways to slay them, infinite ways to bury them. Pile them all up, or one at a time. It doesn't matter because these words are mine. I've said this before and I'm saying it again. If you have a problem, take it up with me. If you don't, write your own poems and be free. Say what you want, don't say what they want to hear. If they want you to be far, make sure you're near. Show no fear and write what the fuck you want. Write it again, again, again! Do it until you bleed, and do it some more, tell of the event. YOU'RE NOT A POETWHORE! Write, write, write, do it every day and every night. Write about the past, present and things to come. Write about the dreams and the barrel of that gun, but for fuck's sake - tell the truth. We don't want to know about how we're supposed to grow out of youth. We want to hear what you want to say. I wouldn't want it any other way! We don't want to know about the faeries that don't exist, we want to know the demons of your mind, the ones that'll rape you, every time you'll find - that they taunt you, they tease you and rape you some more. Beat you some extra, just to make sure. We want to know the truth and the bloodied battles fought. Fuck the lies, that's what the media's for! Fuck what they say, it's your poem, not theirs. If they want you to fall, you climb the stairs. If they want you to write about happiness, tell them that's not what you feel, and show them what the fuck is real! Write about the anger, that flows through your veins. We don't want to know how many cells are in your brain. Fuck trigonometry, angles and calculus, I'll tell you what - I'll bring up some mucus. Sorry - technical term for spitting in your face. Our poetry should put you in your place. Write, write, write - but do it for YOURSELF. FUCK EVERYONE ELSE! It's your poetry, you're the one that matters. If they ask for a china plate, give them a silver platter. Do everything your way, then they can't say it's not right, stand up and with words, you can fight! Lose yourself in the moment, let the words fly around your head. There's a million ways to express your want to be dead. Be original, BE YOURSELF! If they think it's crap, then that's what they think. Only you can judge whether it's good or it stinks. If it's fucked, never let it go. A lost poem is just like boiling snow. We don't care, we don't give a shit, fight with your words FIGHT FOR IT!

God of War

1 mga kritiko
Horsemen of doom roll.
Over bodies that are cold.
Blood fills the fields.
Warfare has had its fill.
God’s feast is over, for now.

This I vow.
War is forever in my soul.
War makes the man.
Death takes the man.

Keep them coming.
Casualties of greatness.
If you’re not a warrior, you’re a carcass.
Pikes penetrate skulls.
Its upside down now, the world.

Taste this love.
Named war.
It shall reign powerful forevermore.
God’s smile is upon WAR!
Gruesome God, I’m calling to you.
Let’s pull the trigger, send the bullet through!

War is forever in my soul.
My God is in control.
War makes the man.
Death takes him.
This is life, be a warrior.

Not a carcass.

Sep 1, 2013

Kabiguan sa nakamit na pangarap...

0 mga kritiko
Sa ilalim ng dagat, kung may pinagkakaguluhan man ay walang iba kundi si Pindong Hipon. Lubos niyang pinagmamalaki ang kanyang matipunong pangangatawan sa iba pang mga hipon ang ilan ay sumasang-ayon at labis na pinupuri si Pindong samantalang ang iba ay nayayabangan na.


"Pagmasdan ninyo ang aking kulay na lubos na kumikinang. Tingnan ninyo ang aking pangangatawan, hindi ba`t pinapangarap ninyo ang ganyan? Hanggang tingin na lamang ang sinumang mangarap na magkaroon ng pangangatawang gaya ng sa akin na pagkalusog-lusog," wika ni Pindong habang nakaliyad.


"Mayroon din naman kaming maipagmamalaki Pindong, kaya lang, eh mas pinagpala ka," sabat naman ni Budong Hipon, isa sa mga kababata ni Pindong.


Dudugtungan pa sa ni Budong ang kanyang sinabi ngunit lumakas na agad ang tinig ni Pindong at nangungutyang wikikang, "Talagang namang malusog ako! Pagmasdan ninyo iyang mga katawan ninyo, payat, tuyot, at lanta. kaawa-awang mga nilalang"


Hindi tumugil ng panlalait si Pindong sa mga hipon at wala siyang pakialam kung may masaktan man sa kanyang mga sinasabi. Palibhasa, gayun na lamang ang paghanga sa sarili at lubos na pagpapasikat sa mga ibang hipon.


"Teka, hindi ba`t si Boyong ay may matipunong pangangatawan din?" tanong ni Ilyong.


"Oo nga, oo nga!" tugon ng marami.


"Sandali, anong ibig ninyong sabihin? Na mas matipuno ang katawan ni Boyong sa akin? Hindi maaari. Ako lamang yata ang may pinakamagandang katawan sa lahat ng hipon dito sa karagatan. Mapapatunayan ko na kahit ang ibang mga nilalang dito sa karagatan ay hahanga sa akin. Maging ang mga tao lalo na ang mga mangingisda ay tiyak na pupurihin ang aking kaanyuhan," pinagyayabang ni Pindong.



"Totoo ngang malusog ka. Kaya lang, kung gaano ka kataba ay gayun naman kahina ang ulo mo," wika ni Impong Hipon, ang pinakamatanda sa kanila.


Natigilan ang lahat. Napahiya si Pindong ngunit di niya iyon pinansin.


"Mabuti pa, ganito na lamang ang ating gawin upang malaman kung sino ang pinakamatipuno. Ang unang makakarating sa laot ang tatanghaling pinakamalusog sa lahat," may ningning sa mata ni Pindong.


Sumang-ayon ang lahat sa panukala ni Pindong ngunit pinigilan sila ni Impong.


"Mga anak kong hipon, huwag na huwag kayong magkakamaling magtungo sa laot dahil huhulihin lamang kayo ng mga mangingisda. Ikaw naman Pindong, dito mo na lang ipagmalaki ang pangangatawan mo," wika nito.


"Bakit dito, eh inggit na inggit na nga kayo sa akin? Gusto ko lang namang ipakita sa mga tao kung anong klaseng hipon ako. Nais ko ring ipaalam sa lahat kung gaano ako hahangaan ng mga tao," katwiran ni Pindong.


"Pakingan ninyo ako sapagkat mas may karanasan na ako sa inyo. Huhulihin lamang kayo ng mga mangingisda kapag kayo ay nakita," paliwanag ni Impong sa mga hipong nakapalibot at nakikinig sa kanya. Pagkatapos, ito`y lumayo na.


Hindi lamang kayabangan ang masamang ugali ni Pindong kundi katigasan ng ulo. Hinikayat pa rin ang mga kasamahan sa paligsahan. Ayaw rin naming magpatalo ng iba sa kanya kaya sumama sila at sinimulan ang paglangoy papuntang laot.


Pagkalipas ng ilang oras, dumating ang mga mangingisda at nakita ang mga hipon na lumulutang-lutang . Tuwang-tuwa naman si Pindong dahil sila ay itinanghal sa pinakamalusog sa lahat. Nakita ng ibang hipon ang mga mangingisda at dali daling sumisid. Naiwan si Pindong at ang ilan niyang kaibigan. Hindi nila napansing inihagis sa kanila ang lambat. Maya maya pa ay hinugasan sila at iniluto upang kainin ng mga mangingisda.


“Tiyak na masarap ito dahil napakataba! Siksik na sisik ang laman di tulad ng iba,” pahayag ng isang mangingisda at isinubo si Pindong.


Nakamit na rin ni Pindong ang kanyang pinapangarap na hangaan ng tao.

Followers