May luha ang araw sa kanyang paglubog;
ang buong paligid ay pinagliliyab sa gilid sa gulod
pati mga ulap ay namimighati habang sumusunod
maging mga bituin ay umiindak din sa ponebreng tugtog!
Kundungan nga kasi nang araw na iyon;
ang sandaigdigan ay muling dinilig ng dagat ng apoy
sa gitna ng luha at mga tangisa`y dugong dumadaloy
ang palad ng tao ay muling naghugas sa itim na balon!
Sa mga sakuna`y bantad na ang tao;
lupit ng dugmaan, mga kakapusan ay sakit sa ulo
dagdag pa ang lindol, pagsabog ng bulkan at sumpa ng bagyo
kulang na lamang na ang Armageddon ang siyang matamo.
Sa likod ng lahat ay may isang lupon;
laging tumutugon sa mga hinaing ng kaniyang mga kampon
ang tanging layuni`y ihasik sa mundo ang lahat ng tulong
gabayan ang bansa na naghihikahos upang makabangon.
Nagkaisang Bansa`y ina ng daigdig;
nagpapakasakit upang kanyang supling ay laging matindig
na ang bawat isa ay maging sagana sa kanyang pag-ibig
sa tuwina`y nasang lahat sa kanila ay puno ng bibig.
Ang kanyang layunin ay tunay at wagas;
mga suliranin ay kanyang dalangin na agad magwakas
ang kaniyang tulong ay palaging handa kung may kalamidad
at ang kamay niya sa mga hirap, laging nakabukas.
Kalamidad, Gyera, Krisis ay walang panama;
sa buong daigdig ay nasugpo na nga ng Nagkaisang-Bansa
ningning ng umaga`y ating mararating nang walang pagsala
ito`y inihain na para sa atin ng Nagkaisang-Bansa.
That Happy Feeling
9 hours ago
0 mga kritiko:
Post a Comment
Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.