Marahil napapansin niyo na ang mga pagbabago sa ating kapaligiran. Nahahalata niyo bang nakararanas tayo ng maaliwalas na panahon sa simula ngunit maya-maya’y biglang uulan? Sa kasalukuyan, maraming pagbabago hindi lamang sa panahon na ating nararamdaman, kung hindi pati na rin sa ating kapaligiran. Bakit kaya nangyayari ang mga pagbabagong ito ngayon na noong dati’y hindi natin nararanasan ?
Ayon sa mga siyentipiko, ang mga pagbabago sa kalikasan na nararanasan hindi lamang ng ating bansa, kung hindi pati ng buong mundo ay ang tinatawag na Global Warming. Ang Global Warming ay sinasabing epekto ng pagkasira ng ating kalikasan na dulot ng patuloy na pang-aabuso ng tao sa paggamit nito, at hindi isang natural na pangyayari na dapat maranasan ng mundo. Ang mga ebidensya ng pangyayaring ito ay nakagugulat at hindi dapat ipagsawalang-bahala ng mga tao dahil tayo rin ang nagiging biktima nito. Ilan sa mga ebidensya ng Global Warming ay ang paglaki ng bilang ng mga bagyong namumuo,tsunami at lindol. ang bilang ng tagtuyot na nararanasan sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, at ang paglilipat ng tirahan ng mga hayop malapit sa Kanluran at Hilagang bahagi ng mundo dahil sa biglang pagtaas ng temperatura sa gitnang bahagi ng mundo. Kung sa mga susunod na taon ay patuloy pa rin ang Global Warming, maraming masasamang epekto tayong mararanasan katulad ng pagtaas ng bilang ng mga tao at hayop na mamamatay dahil sa sobrang init at mga sobrang pagbabaha dahil sa natunaw na ang yelo sa Antarctica at ilang bahagi ng Arctic.
Bilang bahagi ng isang mamamayan, ano ang ating papel sa pagsagip sa ating kalikasan? Hindi lamang ang mga nasa politiko o gobyerno ang dapat kumilos para sa kapakanan ng ating Inang Kalikasan dahil para rin ito sa ating kinabukasan sapagkat tayo rin ang mangangalaga rito. Kaya nararapat lamang na magkaroon tayo ng kaalaman tungkol sa Global Warming at kung paano ito maiiwasang lumala sa hinaharap.
Anu-ano kaya ang maaari nating gawin bilang isang mamamayan sa pagsagip sa ating kalikasan? Isa sa mga maaari nating gawin bilang mamamayan ay ang pagtitipid ng kuryente sa ating mga tahanan. Ang elektrisidad na ginagamit natin sa ating mga bahay ay nagmumula sa mga fossil fuels na kailangang sunugin na nagdudulot ng polusyon at isa sa mga sanhi ng Global Warming. Makatitipid tayo ng elektrisidad kung babawasan ang paggamit ng mainit na tubig mula sa heater, at kung aalisin sa saksak ang mga bagay katulad ng telebisyon kung hindi ito ginagamit.
Ang maaari rin nating gawin maliban sa pagtitipid ng kuryente ay ang hindi madalas na paggamit ng kotse sa paglalakbay, o kaya naman ang pag-organisa ng mga carpool. Isa rin sa mga sanhi ng Global Warming ang polusyong nagmumula sa mga kotse, lalo na kung marami ang bilang nito. Mababawasan natin ang paggamit ng kotse kung maglalakbay na lamang tayo sa pamamagitan ng paglalakad, paggamit ng bisikleta o paggamit ng pampublikong sasakyan.
Iwasan na rin natin gumamit ng plastik kung tayo ay mamimili sa mga palengke, mag dala na lang tayo ng sarili nating lalagyan malaking tulong ito sa ating kailkasan lalo na tuwing sasapit ang panahon ng tag ulan ito ang pinaka malaking sanhi ng pag baha. gayahin natin ang ibang syudad na pinag babawal ang plastik sana maipatupad na ito sa lalong madaling panahon.
Sa pamamagitan ng mga simpleng mungkahi na maaari nating gawin araw-araw, magiging malaking bagay ito para masagip natin ang ating kalikasan mula sa paglala ng Global Warming sa buong mundo. Sana sa hinaharap, ang mga pagbabagong ating nararanasan ngayon ay hindi na lumala pa at sana makita natin ang ating mundo sa dati nitong kagandahan.
Ang tao ay ginawa ni Bro Boss para pangalagaan ang ating kailkasan hindi para sirain. Dapat maging responsable tayo dahil kapag ang kalikasan ang gumanti lintik lang ang walang ganti. Kaya kilos na kapatid, habang may Panahon pa. Ikaw at ako, tayong lahat lang ang pag-asa ng Inang kalikasan.
Softly Subtle Considerations
7 hours ago
9 mga kritiko:
tama, buti nalang merong "recovery system" ang planet earth--kapag alam niyang nasisira na siya o napaplitan ang orihinal na anyo nito, gumagawa siya ng paraan para mahilom ang mga pagbabagong ito sa kalikasan, kasama sa "recovery system" niya ang Global Warming, para ibalik hangga't maaari sa oarihinal na anyo nito.... Nice topic! :)
salamat Sam sa kumento. na inspire kasi ako sa napanood ko kagabi yung Brigada sa ABS-CBN.
kung mag recover ang mundo marami ang masasawi kung baga back to stone age nanaman ang mga tao.
i got reminded of my own post that talks almost the same thing.. save planet..
http://stories-out-of-inkblots.blogspot.com/2011/03/alter-space-cause-to-save-our-planet.html
ganda ng gawa mo sir pepe.
@vin, oo nga kaya wag sana hayaang dumating sa "recovery state" yung mundo! grabe... mawawala pati akong superhero! hahaha :) nice post~
naalala ko tuloy yung umakyat kami ng bundok... ang ganda ng panahon tas nung gabi malakas na ulan kulog at kidlat na...awts
nice topic vin! ^^
@sam salamat mawawala na rin blogger non haha :))
@whang salamat sa pag dalaw :0 epekto kasi ng global warming yun e. hayss
sana dumami ang taong tulad mo na concern kay mother earth. :D
@apple sana nga maraming magising. salamat sa pag bisita :)
Post a Comment
Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.