"Para sa lahat ng katotong hindi naging mga kaibigan
dahil naging mga kagyat na kaaway. Para sa lahat ng nasaktan, dinusta,
kinamuhian ng walang dahilan at sinaktan pang muli. Mapatawad sana tayo ng
kasaysayan at ng buhay sa ating mga kapalaluhan. Sayang at sadyang sayang ang
mga pagkakaibigang hindi nangyari."
Kunin ang pamalo
Paluin at lumpuhin ang mahina ang pananampalataya
Utusan at gawing alipin ang mga kaibigan, kaklase at kasama
Umastang mga macho, siga at palaban
Gumuhit ng linya sa pagitan ng mga 'barbaro' at mga mahihina
gumihit ng linya at dugo sa pagitan natin at ng mga uhuging
kapatiran
Gumuhit ng gumuhit
mamalo ng mamalo
umasta ng umasta
Kunin ang mga tubo, boga, martilyo at mga beinte nueve
karnehin ang kaaway paputukin ang mga ulo
Ihagis ang mga pillbox
Saluhin ang mga suntok
sugod atras sugod
may gulo tayo
may gulo tayo
may gulo tayo!
Ano nga ba ang iskor na? 3-2? 2-1? 0-2?
Basta,
Abangan sila sa kanto
Abangan sila sa kanto
Patayin sila sa kanto
Ipagdiwang ang kapatiran
Ipagdiwang ang bagong tinira
magyabangan
magbidahan
magpataasan ng ihi
'di ako umatras
'di ako natakot
buo ang aking loob
sinamahan kita sa dulo
Sinalba kita
pinagtanggol kita
Ginanti kita
malaki ang aking titi
Malaki ang ating titi
Kaya maghanda ng isang piging
Magkamayan tayo lagi
Magpalitan ng mga lihim at koda
Sampalin ang hindi matahimik
Magparami
Magparami
Mag-ubusan
Mag-ubusan
Brad
Sis
GC
GT
MI
Alpha
Beta
Chi
Delta
Epsilon
Neo
Full Brad
Half Brad
Master
Lord
Senyores
Alumni
Anib
Forever
May gulo
May gulo
Lahat tayo ay mga uhugin, duwag at iyaking paslit.
Kasing pangit at kasing krudo ng tulang ito, tayo.
Fratman ako.
Hindi ako fratman.