Malungkot isiping nag-iisa na lamang ako
Naiiwan ng mundong ito
Pati ba naman ikaw sa akin ay lumayo
Di na makita; bigla na lang naglaho
Bakit ikaw pa rin aking naririnig
Nauulinig ang iyong himig
Saan man ako tumingi'y ikaw ang nakikita
Di ka kumakawala sa aking gunita
Andito ako sa isang sulok
Pinagmamasdan ang larawan mo
Itinatago dito sa puso ko
Ang tanging pangalan mo
Bakit naglaho ka ng parang bula
Tinangay ng hangin ang iyong pangalan
Inanod ng dagat ang yong larawan
Ngunit sa puso ko ay di ka parin lumilisan
Di ko napapansin malayo na pala ako
Ang kinatatayuan ko di ko na alam ngayon
Nakakasilaw ang liwanag mula sa bungad
Ng lugar na di ko alam kung saan
Huli na pala ng aking napagtanto
Na ako pala ang siyang lumayo
At bigla ko na lamang naalala
Sa mundong ito ako'y lumisan na
10 mga kritiko:
Hindi ko maarok kung anong ibig mong ipahiwatig sa tulang ito. Hehehe!
base ba ito xa true life mo..? lungkot naman kung ganun umalix ng walang dahilan... :) ngayon lang nakadalaw dito.
naks, nakakalungkot.. ang may akda pala ang lumisan.. nice post..:)
tskkk,ang lalim.. khit tgalog
@empi basahin mo ulit baka sakaling makuha mo kaibigan :)
@Kamila opo totoo po talaga yan hehe salamat sa pag bisita :)
@mommy razz ganon talaga mommy para isang sakitan na lang sa dibdib.
@palakanton hehe salamat sa pag dalaw kaibigan :)
maganda pala dito.. ahhh... now lang ako naka dalaw.. sige baka mawillie ako dito.. anyway,. maganda ang tula mo.. gusto ko ang isnabi mong "bakit ikaw parin ang aking nariinig...nauulinig ang iyong himig.." tagos hangng buto.. sobrang sakla.. sya at sya parin... hayst...
@musingan salamat sa pag dalaw at puna bro :)
Ang sakit naman? Talagang ang pag lisan ay napaka sakit!
Wow! Parang nangyari na sa'ken 'to. I know the feeling!
Nice poem po! Keep it up!!
Post a Comment
Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.