Jun 3, 2011

Brad!

"Para sa lahat ng katotong hindi naging mga kaibigan dahil naging mga kagyat na kaaway. Para sa lahat ng nasaktan, dinusta, kinamuhian ng walang dahilan at sinaktan pang muli. Mapatawad sana tayo ng kasaysayan at ng buhay sa ating mga kapalaluhan. Sayang at sadyang sayang ang mga pagkakaibigang hindi nangyari."

Kunin ang pamalo
Paluin at lumpuhin ang mahina ang pananampalataya
Utusan at gawing alipin ang mga kaibigan, kaklase at kasama
Umastang mga macho, siga at palaban
Gumuhit ng linya sa pagitan ng mga 'barbaro' at mga mahihina
gumihit ng linya at dugo sa pagitan natin at ng mga uhuging kapatiran
Gumuhit ng gumuhit
mamalo ng mamalo
umasta ng umasta

Kunin ang mga tubo, boga, martilyo at mga beinte nueve
karnehin ang kaaway paputukin ang mga ulo
Ihagis ang mga pillbox
Saluhin ang mga suntok
sugod atras sugod
may gulo tayo
may gulo tayo
may gulo tayo!
Ano nga ba ang iskor na? 3-2? 2-1? 0-2?
Basta,
Abangan sila sa kanto
Abangan sila sa kanto
Patayin sila sa kanto

Ipagdiwang ang kapatiran
Ipagdiwang ang bagong tinira
magyabangan
magbidahan
magpataasan ng ihi
'di ako umatras
'di ako natakot
buo ang aking loob
sinamahan kita sa dulo
Sinalba kita
pinagtanggol kita
Ginanti kita
malaki ang aking titi
Malaki ang ating titi

Kaya maghanda ng isang piging
Magkamayan tayo lagi
Magpalitan ng mga lihim at koda
Sampalin ang hindi matahimik
Magparami
Magparami
Mag-ubusan
Mag-ubusan
Brad
Sis
GC
GT
MI
Alpha
Beta
Chi
Delta
Epsilon
Neo
Full Brad
Half Brad
Master
Lord
Senyores
Alumni
Anib
Forever
May gulo
May gulo

Lahat tayo ay mga uhugin, duwag at iyaking paslit.
Kasing pangit at kasing krudo ng tulang ito, tayo.

Fratman ako.

Hindi ako fratman.

14 mga kritiko:

Ka-Swak said...

galing!

love the way you write. hindi ako marunong ng ganyang pagsusulat kaya saludo ako sayo!

Akoni said...

fratman akoni.

Vin said...

@swak salamat sa puna at papuri kaibigan :D


@akoni anong organisasyon ka nabibilang sir akoni? :D:)

mayen said...

ang galing naman lalim ng mga tagalog. yung iba di ko ma dig. pero ayos.:)

Akoni said...

Alpha Cosine Theta, intercollegiate organization..Educational group..hehe..pero may palo..haha

mommy-razz said...

'paluin at lampuhin ang mahina ang pananalampataya' love kong line na yan vin..

gandang araw.

Diamond R said...

na papawow ako sa mga linyang ito. Magaling

Diamond R said...

Kailangan talagang dumaan sa ganitong pagsubok ang may tibay ang pananampalataya para mapabilang sa isang samahan. I give up my personal life,family and dreams once in my life at di ko yon pinagsisihan dahil ginusto ko at yon ang gusto ng puso ko.

empi said...

tambay sa kanto ito.... hehehe.

Vin said...

@mayen salamat sa puna :)

@Akoni Αcosθ ka pala na pa search tuloy ako sa google hehe akala ko SOCATOA, Algebra tuloy haha.

@mommy Razz salamat sa pag dalaw :)

@Diamond tama ka kaibigan mukhang may organisasyon kang kinabibilangan :)

@empi salamat sa pag dalaw :)

Whang said...

idol! ^^

Pepe said...

Gusto maki-fliptop pero di ako marunong! yow! hehehe

nice writing ha!

Mark said...

Ayos to Brad! galing mo talaga vin!

Hi I'm ROY said...

haha nakaka-relate ako sa post mo.

fratman din ako, ang sakit ng palo noon.

no comments muna.

BTW, subrang busy mo yata ngayun pre at hindi mo nmalayan na nanalo ka sa aking munting patimpalak. Hinintay ko tlaga message mo. anyway, pls contact me to claim your free domain iluvoy2@yahoo.com

thanks.

Post a Comment

Paalala: Ipahayag ang inyong emosyon, puna, kuro-kuro, mungkahi, at opinyon hinggil sa post na ito ay aking pasasalamatan.

Followers